Default Thumbnail

2 bata na-suffocate sa kotse sa Angeles City

March 23, 2024 Bernard Galang 155 views

NATAGPUANG patay ang dalawang bata edad 2 at 3 taong gulang sa nakaparadang sasakyan sa Angeles City, Pampanga noong Biyernes.

Kapwa residente ng Sitio Cuayan Hensonville sa Brgy. Malabanias, Angeles City ang dalawang biktima.

Ipinarada lang ang Toyota Vios (CBE 3794) ni Fermhan Pamintuan, 33, sa harap ng kanyang bahay sa Sitio Cuayan Hensonville.

Pagbalik niya sa sasakyan, laking gulat niya ng makita na patay na ang dalawang bata sa loob ng kotse.

Kinumpirmang wala ng buhay ang mga bata dahilan sa suffocation nina Joanne Mae Calica at Rennald Pangilinan ng Angeles Rescue Team

Base sa CCTV footage, naglalaro ang dalawang bata malapit sa sasakyan nang magpasya ang mga ito na buksan ang kanang bahagi ng pinto at saka pumasok sa loob ng kotse.

AUTHOR PROFILE