Kulong

Suspek sa rape, sexual assault swak sa selda

March 23, 2024 Jojo C. Magsombol 69 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Swak sa selda ang lalaki na natimbog ng mga pulis dahil sa kasong panghahalay at sexual assault sa Sitio Subic, Brgy. Balele, Tanauan City noong Huwebes.

Kabilang sa mga pinaghahanap na tao ang nahuling 23-anyos na binata at residente ng naturang barangay, ayon kay Batangas Police director P/Col. Samson Belmonte sa report kay Calabarzon Police Regional Office P/Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas.

Inihain ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 6, Tanauan City, Batangas sa suspek ng Sto. Tomas City police dakong alas-6:50 ng hapon.

AUTHOR PROFILE