Mariel Mariel Rodriguez-Padilla

2 aktres naging malungkot ang Pasko at Bagong Taon, gusto pang pagkaperahan ang isa

January 2, 2024 Eugene E. Asis 158 views
Pic
Tippy dos Santos with dad John

HABANG halos lahat ay nagsasaya nitong nakaraang taon, dalawang aktres naman ang nakaranas ng lungkot matapos bawian ng buhay ang kanilang mahal na ina.

Una nang napabalita ang pagkamatay ng ina ni Mariel Rodriguez-Padilla na si April Ihata bago mag-Pasko kaya naman sobrang lungkot ng Pasko para sa actress-host.

Naging madamdamin din ang kanyang eulogy para sa ina kung saan inalala niya ang kanilang masasayang sandali at mga bagay na naibigay at naipamana nito sa kanya, mula sa hilig sa pelikula, musika at mga pagkain.

Binawian naman ng buhay ang ina ng actress-singer na si Tippy Dos Santos na si Happy Dos Santos matapos itong masangkot sa isang road accident sa South Korea kasama ang mister na si John Dos Santos noong bago mag-Bagong Taon. Nakaligtas si John, habang namatay ilang araw si Happy sa ospital.

Ang masakit pa, may ilang masasamang loob na gustong gamitin ang pagkamatay ni Happy upang makapangolekta ng pera sa pamamagitan ng Facebook. May isa diumanong nagpakilalang John Dos Santos na humihingi ng tulong at nangangalap ng pera para sa diumano’y pagpapalibing kay Happy. Mariing pinabulaanan ni John ang tungkol dito at hindi raw siya ito, kundi isang fake account.

AUTHOR PROFILE