Vilma

Ate Vi, babalik sa mga dating ginagawa

January 2, 2024 Eugene E. Asis 285 views

NAGPAHAYAG si Vilma Santos na magiging mas abala siya ngayong 2024.

Bagama’t wala sa talaan ng mga naunang naiulat na Top 5 sa takilya ang pelikula nilang ‘Whern I Met You in Tokyo’ ni Christopher de Leon, inaasahan pa ring papalo ito sa mga susunod na araw.

Totoong kakaiba ito sa mga pelikulang nagawa ng dalawa, pero napakaganda ng pagkakalatag nito at natutuwa kami na nagawa nila ito in their lifetime. Hindi nga kami nagtataka na nanalong best actress si Ate Vi sa nakaraang MMFF dahil sa napaka-epektibo niyang pagganap bilang si Azon, walang hysterics pero maayos na naipadama ang anguish sa huling bahagi ng kanilang buhay bilang geriatrics na binigyan ang mga sarili na muling maramdaman ang tunay na pagmamahal.

Ayon kay Ate Vi, may mga ini-offer na sa kanya na ilang scripts na tulad ng mga strong character niya sa ‘Stella L’ at ;Bata Bata Paano Ka Ginawa’ pero hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa niya ang lahat ng ito.

Sa ngayon, ini-enjoy muna niya ang buong pamilya. Umuwi ang kanyang mga kapatid kabilang ang dating aktres na si Winnie Santos at mga anak nito. Bihirang mangyari ito kaya naman wala siyang sinasayang na sandali, lalo pa’t lagi nilang kasama si Baby Peanut na anak ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Sino si Eisel Serrano?

Eisel
Eisel Serrano

HANGGANG ngayon, bukod sa nanalong best actor na si Cedric Juan (para sa GomBurZa), marami ang nagtatanong kung sino ang co-host ni Giselle Sanchez sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival na ginanap sa New Frontier Theater noong December 27, 2023.

Siya si Eisel Serrano, a 24-year-old aspiring actress na nasa ilalim ng Viva management. Naging leading lady siya ni Carlo Aquino sa pelikulang ‘Love You Long Time’ na dinirek ni JP Habac.

Graduate si Eisel ng Travel Management sa UST, cum laude. Naging member din siya ng volleyball team ng naturang kolehiyo.

Una siyang naging talent ng Star Magic kasabay nina Belle Mariano at Charlie Dizon.

Inaasahang magiging mas visible siya sa ilang Viva projects ngayong 2024.

AUTHOR PROFILE