Default Thumbnail

17 anyos dedo sa saksak ng 15 anyos 

March 27, 2022 Jonjon Reyes 368 views

Tila nawala ang pangarap ng isang ina sa kanyang 15 anyos na anak para sana sa ikakagandang buhay nito , matapos mapatay nito ang 17 anyos na suspek sa Tondo, Manila madaling araw ng linggo.

Namatay habang inoobserbahan sa Mary Johnston Medical Center ang biktimang si Carlo Beriño, ng Calamansi St.,Tondo.

Sa isinagawang follow up operation ng mga kapulisan ng Manila sa MPD Stn.1 ,agad na naaresto ang itinuturong suspek sa panulukan ng Pacheco St., Brgy.116 Tondo.

Base sa ulat na isinumiti ni Det.Jamie Balang at Det.Jason Ibasco kay P/ Lt.Adonis Aguila , hepe ng Manila Police District – Homicide Section,pasado 4:40 a.m. nang maganap ang pananaksak sa isang iskinita sa Pacheco St.

Sa initial na report ng pulisya, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa madugong tagpo.

Isang Henry Bucacao, ang nagbigay ng salaysay sa pulisya. Diumano nakita nito ang biktima na humihingi ng tulong habang nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Nagpatulong ang testigo na maisugod sa pagamutan si Bariño, subalit dakong 6:38 ng umaga , nang ideklara itong patay ni Dr.Hazael Tanael .

Ilang minuto pa lamang nang magsagawa ng manhunt operation sa suspek ang mga tauhan ng MPD- Don Bosco Police Community Precinct sakop ng Station 1 at agad itong inareato.

Pansamantalang nakalagak ang bangkay ng biktima sa Sanctuary Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE