Nieto

141 ordinansa, 917 resolutions aprub sa Maynila

December 28, 2023 Edd Reyes 161 views

NAKAPAGPASA ang Sangguniang Panlungsod ng Maynila ng 141 ordinansa at nakapagpatibay ng 917 na resolusyon mula Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2023.

Sinabi ni Vice Mayor at Manila Presiding Officer John Marvin “Yul Servo” Nieto na ang ilan lamang sa mahahalagang ordinansa na kanilang naipasa ang pag-apruba ng kabuuang pondo ng Maynila para sa 2024 na nagkakahalaga ng P23.2 bilyon.

Naipasa rin nila ang Ordinance No. 8991 na inihain ni Councilor Pamela “Fa” Fugoso-Pascual na nagbibigay ng P500 monthly allowance sa mga menor-de-edad na person with disability (PWD).

Inaprubahan din ni Mayor Honey Lacuna-Pangan ang inakdang Ordinance No. 9003 ni Konsehal Martin “Marjun” Isidro, Jr, kaugnay sa bawal na sumabit sa mga public utility vehicles kapag puno na ng pasahero.

Kabilang sa mga resolusyong pinagtibay ng Konseho ang pagpapatibay sa Executive-Legislative Agenda para sa 2022 hanggang 2025 na inihain ni Majority Floor Leader Konsehal Ernesto “Jong” Isip, Jr. at ang pagpapalakas sa kamalayan sa Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) ni Councilor Johanna Maureen “Apple” Nieto-Rodriguez.

Napagtibay din ang pagsuporta sa national government para sa paglaban sa ating teritoryo sa West Philippine Sea na inakdahan ni Councilor Niño Dela Cruz.

Ganon din ang “Digitalization Project” ng mga ordinansa’t resolusyon o legislative records na ipinasa simula noong Municipal Board hanggang City Council na inihain mismo ni Vice Mayor Yul Servo.

AUTHOR PROFILE