14-anyos dedo sa ‘gang bugbog’

December 7, 2022 Melnie Ragasa-limena 125 views

BINAWIAN ng buhay ang 14-anyos na grade 9 student matapos ma-coma ng isang linggo sa ospital nang pagtulungang bugbugin ng apat na teenager sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Brig. Gen. Nicolas Torre III, ang biktimanag si JayCris F. Galindez, 14, Grade 9 student sa San Bartolome High School, at residente ng 046 Sta Isabel, Brgy. Gulod, Novaliches, sa lungsod.

Kasalukuyan na ring nasa kostudya ng mga awtoridad ang apat na nambugbog na binatilyo at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila, kabilang ang isang 18 anyos na suspek.

Ang 18 anyos at tatlo pang suspek na nasa edad 15 hanggang 17, ang sinasabing nambugbog kay Galindez sa Qurino Highway sa harapan ng San Bartolome High School sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, noong Nobyembre 18 bandang 7 p.m.

Hindi pa umano nakuntento ang mga binatilyo ay kumuha pa ng malaking tipak na bato at ipinalo sa ulo ni Galindez.

Namatay si Galindez sa East Avenue Medical Center noong Nobyembre 25 matapos siyang ma-coma sa loob ng pitong araw.

Bagamat hinang-hina ay nakauwi pa ang ang biktima sa kanilang bahay at isinumbong sa kaniyang pamilya ang ginawa ng mga suspek pero makalipas lamang ang ilang minuto ay isinugod siya ng kanyang mga magulang sa ospital matapos itong magreklamo ng matinding pananakit ng ulo.

Si Valeriano ay nananatiling nasa kustodiya ng pulisya habang ang kanyang mga kasamahan ay itinurn-over sa mga social worker ng lungsod dahil sila ay pawang mga menor de edad.