QCPDGALAS

‘Nagnakaw’ ng FB identity arestado

December 6, 2022 Melnie Ragasa-limena 112 views

ARESTADO ang isang ginang matapos nakawin umano ang identity ng isang officer ng Philippine Coast Guard (PCG) at gamitin sa scam kung saan tatlo katao ang nabiktima, kabilang ang lady jail guard sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Sa report ng Quezon City Police Distric (QCPD) Galas Police Station (PS-11), bandang 10:00 ng gabi (December 5) nang maaresto ang suspek na taga-Kaliraya St., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Rusdie Milussin Sahikal, PCG officer; Maurice Franchc, jail officer; Jhon Jay Delos Reyes, at Chastine Verceles Dela Cruz.

Nadiskubre and insidente nang tanungin umano si Sahikal ni Franchc kung siya ba ang talagang nagpadala ng mensahe sa kaniya.

Doon ay nadiskubre ni Sahikal na kinopya ang kaniyang Facebook account na ” DIEROS AHMAD.”

Ayon kay Sahikal, gamit ang kaniyang FB account ay nagpakilala ang suspek kay Franchc na siya ay isang lending company agent at nag-aalok nang pautang na nagkakahalaga ng P2 milyon.

Tinanggap naman ni Franchc ang alok hanggang magkaroon sila ng kasunduan sa pagkuha ng loan.

Noong December 3, ay nakatanggap muli si Franchc ng mensahe sa account ng “DIEROS AHMAD” at sinasabing may banta sa kaniyang buhay kaya kailangan niya ng security assistance.

Poprotektahan na sana ni Franchc ang suspek pero kinalaunan ay nakausap niya si Sahikal na totoong may-ari ng FB account.

Nabiktima rin umano sina Delos Reyes at Dela Cruz.

Nakapiit na ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Computer Related Identity Theft in relation to RA 10175 of Cybercrime Prevention Act of 2012 laban sa kaniya.