Default Thumbnail

13 sasakyan inararo ng trak sa Laguna, 2 dedo

February 19, 2023 Gil Aman 312 views

DALAWA katao ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang araruhin ng isang Fuzo Mixer Truck ang 13 sasakyan sa national highway sa Bgy. Real, Calamba City, Laguna, Sabado ng hapon.

Kinilala ng Calamba City Police ang dalawa sa nasawi na sina Jollie Ann Putian Rinon at Princess Sarah Gabatino Abella. Sakay ang dalawa ng Yamaha STX tricycle na kabilang sa nahagip ng umikot at rumaragasang mixer truck.

Ang dalawang malubhang sugatan ay kinilalang sina Jamaica Somera Capiroso at Donna Jean Cayanan.

Arestado ang driver ng mixer truck na kinilala ng pulisya na si Dennis Lozada Barientos. Siya ay kasalukuyang nakadetain sa Calamba City police station..

Ayon sa pulisya, Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide Multiple Physical Injuries at Damage to property ang isinampang kaso laban kay Barientos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 5 p.m. ng maganap ang karambola ng mga sasakyan.

Kabilang sa mga nasangkot sa karambola ang isang Honda BRV na Minamaneho ni Raissalyn Dalisay, Mitsubishi Mirage na minamaneho ni Rodney Osana Dalo, Honda City na minamaneho ni Jesebel Esperanza Sales, Mitsubishi Montero na minamaneho ni Loeniel Basit Apostol, Hundai Starex na minamaneho ni Harold Joseph Alejado Senosin, PUJ na may plakang PWX 319 na minamaneho ni John Amando Cuevas, Kawsaki Barako Tricycle na minamaneho ni Luis Liquido Manangkil, PUJ na may plakang DXM 986 na minamaneho ni Jenmark Lumayot Cabahug. Honda CB 125 tricycle na minamaneho ni Winifredo Espina Gonzales, Yamaha STX na minamaneho ni Mark Alla (NMN) Hernandez, Toyota Hiace na minamaneho ni Jomarey Dauson Malbas, Isuzu MPV na minamaneho ni Justin Alejo Lu at Toyota Vios na minamaneho ni Ryan Neil Panaligan Manimtim.

Ang Fuzo Mixer Truck, ayon sa isinagawang imbestigasyon ng traffic police, ay mabilis na tumatakbo ng sa opposite direction ng highway ng bumangga ito sa kaliwang bahagi ng Toyota Hiace na minamaneho ni Malbas sanhi upang ito ay umikot hanggang sa magkarambola ang ibang kasunod at kasalubong na mga sasakyan.

AUTHOR PROFILE