Default Thumbnail

12 lugar nananatiling nasa Signal no.1 sa pananalasa ni Betty

May 28, 2023 Zaida I. Delos Reyes 187 views

LABINDALAWANG lugar sa bansa ang nanatiling nasa Tropical Cyclone Wind Signal number 1 kahit pa bumagal ang pagkilos ng bagyong Betty habang tinatahak ang direksyon patungong West Philippine Sea (WPS).

Sa inilabas na bulletin ng PAGASA dakong 11:00 ng tanghali, nakataas parin sa signal number 1 ang Batanes; Cagayan, kasama amg Babuyan Islands; Isabela; Apayao; Ilocos Norte; northern at central portion ng Abra, kabilang ang Tineg, Lacub, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Malibcong,Danglas, La Paz, Dolores,Tayum,Bucay, Sallapadsn, Daguioman,Bucloc at Boliney; Kalinga, eastern at central portion ng Mountain province, kabilang ang Sadanga, Barlig,Nato in, Paracelis at Bontoc; eastern at central portion ng Ifugao kasama ang Mayoyao,Aguinaldo, Alfonso Lista,Banaue,Hingyon,Lagawe,Lamut ,Kiangan at Asipulo; northern at central portion ng Aurora kanilang ang Dilasag,Casiguran,Dinalungan at Dipaculao: Quirino at northern portion ng Nueva Viscaya kasama ang Kasinu,Quezon,Solano,Bagabag,Diadi,Villaverde, Bayombong at Ambaguio.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA , ang sentro ng bagyo ay matatagpuan sa east ng Tuguegarao City ,Cagayan.

Dala ni Betty ang pinakamalakas na hangin na 175 kilometrobawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 15 kilomentro bawat oras.

Inaasahang kikilos si Betty pa-kanluran hilagang kanluran o hilagang kanluran hanggang Lunes habang unti-unting nagbabawas ng lakas.

Posibleng lalo pang bumagal ang pagkilos ng bagyo sa Martes habang nasa katubigan sa gawing Silangan ng Batanes.

Sa Miyerkules, inaasahang kikilos si Betty pa-Hilaga , Hilagang Kanluran hanggang Huwebes patungo sa silangang bahagi ng karagatan ng Taiwan.

Maari ring bumaba sa tropical storm ang kategorya ng bagyo sa Huwebes ng hapon o Biyernes ng umaga.