Drugs

10 drug suspek, P3M shabu nalambat ng PDEG

April 7, 2024 Alfred P. Dalizon 117 views

SAMPUNG drug suspek ang nadakip at halos P3 milyong halaga ng shabu ang nalambat ng mga tauhan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG), ayon kay PDEG director Brigadier General Dionisio B. Bartolome.

Sinabi ng PDEG director na nadakip noong nakaraang Sabado ang dalawa sa mga akusado.

Kinilala niya ang dalawa na sina Joselito Detoyatao, 40; and Jess Abejero, 28.

Nahuli si Detoyato sa Brgy. Mandalagan, Bacolod City, Negros Occidental dakong alas-11:45 ng gabi noong Sabado.

Nakuha sa kanya ang 90 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P612,000.

Nakuha kay Abejero ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa buy-bust sa Brgy. Galas, Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Nahuli sa Brgy. Tandang Sora, Butuan City, Agusan del Sur sina Carlo Pepito, 42; at Said Gamboay, 40.

Nadakip si Noel Manihan, 46, sa isang buy-bust sa Brgy. 1-A sa Manapla, Negros Occidental noong Miyerkules.

Nakuha sa akusado ang 105 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P714,000.

Kinilala ang pang-anim na suspek na si Rowel Morato, 32.

Nakumpiska mula sa akusado ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800.

Ayon pa sa opisyal, apat pang drug suspek ang nahuli ng kanyang mga tauhan.

Isa sa kanila si April Lubianoi, 34, na nadakip sa Brgy. Pinyahan sa Quezon City.

Nadakip si Ryan Mabasa, 21, sa Brgy. Villamonte, Bacolod City.

Inaresto ang pangatlo sa anim, si Jennilyn Zuniga, 44, sa Malolos City noong Miyerkules.

Ang pang-apat, si Enrique Ligo Jr., 54, inaresto sa Dukay, Esperanza, Sultan Kudarat.

AUTHOR PROFILE