Zeus

Zeus nag-propose sa fiancee sa gitna ng Araneta Coliseum

May 25, 2022 Aster Amoyo 446 views

Zeus1Zeus2Zeus3

ENGAGED na ang ex-PBB housemate and former member ng all-male dance group ng noontime show na “It’s Showtime” na si Zeus Collins (29) sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Myka Pauline Redondo. Ang proposal ay ginawa sa gitna ng court at harap ng libu-libong audience and celebrity players ng Star Magic All-Star Games sa Araneta Coliseum nung nakaraang Linggo, May 22. Naging kasabwat ni Zeus ang “It’s Showtime” cast sa pangunguna mismo ni Vice Ganda para maisakatuparan ang kanyang plano.

“Hindi ako nakapaglaro nang maayos sa basketball kasi sobrang kinakabahan ako para dito, ‘yung tipong di pa nag-start ang game putlang-putla na ako. Pero ito at nangyari na nga ang pinapangarap at pinagdadasal ko na mahanap na ang makakasama ko habang buhay. Sobrang saya ko at nag YES ka. Mahal na mahal kita MYKA PAULINE REDONDO. Thank you Lord kasi siya ang binigay mo sakin, iingatan kita at mamahalin nang sobra gaya ng pagmamahal ni Lord sa ‘tin. Syempre di ko naman magagawa to mag-isa kung wala ang mga kasabwat. Thank you @praybetbenjamin at Team Showtime sa malupit na plano kahit masakit talaga ang bagsak ko. At Ronnie pumayag na gawin kahit 2 fouls ang kailangan. Thank you din kuya @rycrafael! Mahal ko kayo at diko malilimutan to. My Love Pauline marami pa tayong pagsubok na pagdadaanan pero kasama natin palagi si Lord at malalagpasan natin ang lahat. I love you so much @mykapaulinee,” post ni Zeus sa kanyang Instagram account.

Masayang-masaya para kay Zeus at sa fiancée nitong si Myka Pauline ang mga dating kasamahan ng dancer-actor sa “It’s Showtime” at Hashtags at iba pang mga kaibigan na naka-witness sa kakaibang marriage proposal na ginawa nito.

Si Zeus ay naging miyembro ng “Pinoy Big Brother: 737 (Teen Edition)” in 2015. Naging kapananabayan niya sina Enchong Dee, Ylona Jade Garcia, Bailey Thomas May, Barbie Imperial, among others. Paglabas niya ng PBB house ay naging bahagi siya ng Hashtags all-male dance group ng “It’s Showtime” along with other ex-PBB housemates tulad nina Jameson Blake, Ronnie Alonte at iba pa.

Nung January 2019 sa isang episode ng game show na “Minute To Win It” hosted by Luis Manzano ay nakapag-uwi si Zeus ng P1-M nang makumpleto niya ang tasks.

Ang kanyang fiancée ay nakita niya by chance sa isang restaurant kasama ang pamilya after her graduation.

Marian

Rhea umaming tagahanga ni Marian

INAMIN ng president-CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na isa umano siyang tagahanga ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kaya hindi siya nag-atubiling kunin ito bilang sole celebrity ambassador ng Beautederm Home may apat na taon na ang nakakaraan. Throughout this time ay nag-transcend ang kanilang relationship into good family friends hindi lamang between the two of them kundi maging ang kanilang respective families. Ang mister ni Marian na si Dingdong Dantes ay bahagi na rin ng Beautederm Family now numbering to over 70 brand ambassadors.

Wala umanong special occasions ang dalawa na wala ang isa. Naging shopping buddies din sina Rhea at Marian and they have so many things in common. Very hands on din ang dalawa pagdating sa scents and variants under Beautederm Home.

“I treat her (Marian) as my little sister,” pag-amin pa ni Rhea at the renewal of contract ni Marian for another 30 months na ginanap sa Winter Hall ng Luxent Hotel in Quezon City.

Ang historic partnership ng Beautederm at ni Marian ay nangyari nung 2018 nang i-launch ang Reverie na binubuo ng home scents of candles at air purifiers at kasama na rito ang room and linen sprays.

Ang word na Reverie (ng Beautederm Home line) ay nagmmula sa maiden name ni Marian na Rivera at ang Re ay galing naman sa palayaw ni Rhea na Rei.

Kasama sa Reverie line of Beautederm Home ang The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent) t Rest & Relaxation (Lavender Scent) na ang packaging at in close collaboration with Marian. Nung 2021, ito’y nadagdagan ng dalawa pang scents, ang Matcha to Love at Take Me Away.

Sa pagpasok ng taong 2022, ang Beautederm Home ay muling naglabas ng iba pang home essentials sa ilalim ng Reverie like tulad ng Pour Tout Faire, isang three-in-one multi-purpose spray that deodorizes, disinfects and protects to eliminate unpleasant odors. Ang dalawa pang bagong variants ay ang Fresh & Variant at at ang Clean & Calm.

Since non-stop ang pag-develop ng Beautederm Home ng mga bagong variants and products, hindi hihinto ang kumpanya ni Rhea sa paglabas pa ng iba’t ibang produkto in collaboration with the brand’s sole ambassador na si Marian.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE