Kuh

Kuh, fake news ang atake sa puso

May 24, 2022 Vinia Vivar 287 views

Itinanggi ni Kuh Ledesma ang kumakalat na balitang inatake siya sa puso. Sa pamamagitan ng video na ipinost niya sa kanyang Instagram account, makikita ngang mukha namang walang sakit ang Pop Diva. In fact, tila nasa bakasyon pa dahil sa malawak na farm sa background.

Sa caption, aniya, “Fake news going around na inatake ako… but I’m alive. Don’t just believe in stuff like that. So, if you hear news, make sure to ask before spreading it around.”

Sa simula nga ng video ay nagbiro muna si Kuh at nagtanong kung mukha ba siyang buhay.

“Naku naman may lumabas na fake news, ako raw ay nagkaroon ng heart attack. Teka, okay na okay ang heart ko, very strong. Kasi si Lord ang nagpapalakas sa akin. Huwag po kayong maniniwala sa mga ganun. Ang Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa akin,” paglilinaw ni Kuh.

Pagkatapos nito ay nagbigay siya ng mensahe sa mga gumagawa ng fake news.

“Yung mga fake newsers na ‘yan, ‘yung mga gumagawa ng ganyan may balik na masama ‘yan. Huwag niyong gawin ‘yan, okay? Focus on Jesus bibiyayaan ka Niya kapag gumagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa.

“Kaya huwag nating binabalikan ng masama ang gumagawa ng masama sa atin, okay? Alam ko gets niyo ‘yan. Love you, guys,” ani Kuh.

Napabalitang inatake sa puso si Kuh dahil labis umano itong naapektuhan ng pagkatalo ni Vice President Leni Robredo. Isang certified Kakampink ang veteran singer.

Bago ito ay naglabas din ng video si Kuh saying na nalulungkot siya sa pagkatalo ni VP Leni pero ayaw naman daw niyang manatiling malungkot at ang tanging magagawa na lang daw natin ay ipagdasal ang ating mga leader.

AUTHOR PROFILE