Zamboanga

Zambo City nagdeklara ng state of calamity

March 6, 2024 Zaida I. Delos Reyes 84 views

NAGDEKLARA na rin ng State of Calamity ang Zamboanga City dahil sa pinsalang dulot ng El Nino phenomenon sa kanilang lugar.

Ang deklarasyon ng State of Calamity ay batay sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction Management Council at Zamboanga City Water District.

Paliwanag ni Vice Mayor Pinpin Pareja, nakakaranas na ang lungsod ng kakulangan ng supply ng tubig.

Kinumpirma din ni Zamboanga City Water District Public Information Officer Raul Rivera na nasa critical levels na ng tubig sa Pasonanca dam.

Bumaba aniya ang water level ng dam sa 74 metro, mas mababa sa normal na water level na 74.20 meters.

Ang Pasonanca dam ang nagbibigay ng tubig sa east coast at central district areas ng siyudad.

Ang naturang mga lugar ay dumaranas na ngayon ng labis na kakulangan sa supply ng tubig kaya’t nagdesisyon ang mga awtoridad na ipatupad ang water rationing sa 51 barangays.