James

Yassi: ‘Maging masaya na lang tayo para kina James at Issa’

March 24, 2023 Aster Amoyo 496 views

LANTAD na sa publiko ang relasyon nina James Reid at Issa Pressman, sister ng actress, dancer, host and entrepreneur na si Yassi Pressman na close friend ng dating magkasintahang James at Nadine Lustre.

During the presscon of “Kurdapya” kung saan gumaganap sa twin roles si Yassi, sinabi niyang maging siya man ay nagulat nang malaman ang relasyon ng dalawa. Pero wala naman umanong problema dahil pareho namang single ang dalawa. Klinaro rin ni Yassi na wala umano silang problema ni Nadine na kaibigan pa rin niya.

Masaya si Yassi para sa dalawa kaya dapat daw na maging masaya ang mga tao for them in the same manner na masaya na rin umano siya sa kaibigang si Nadine na masaya na rin sa BF nitong French businessman na si Christophe Bariou.

“Maging masaya na lamang tayo for them,” ani Yassi na nagi-enjoy sa kanyang kauna-unahang TV sitcom na “Kurdapya” na napapanood sa TV5 tuwing Sabado ng 6 p.m. simula March 18.

Marco pinaka-busy sa Viva

Marco2MarcoMarco1WALANG alinlangan na ang 28-year-old actor nasi Marco Gumabao ang isa sa pinaka-busy sa bakuran ng Viva kung pagbabasehan ang kanyang sunud-sunod na proyekto.

Showing ngayon sa mga sinehan nationwide ang romantic-comedy movie na “Baby Boy, Baby Girl” mula sa panulat at direskyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films na pinagtatambalan nila ng dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa at kung saan din kasama sina Rey`PJ’ Abellana, Marissa Sanchez, Giselle Sanchez, Yayo Aguila at iba pa.

Nagsimula naman last Saturday, Marchj 18, 6 p.m. sa TV5 ang kanyang bagong sitcom at unang tambalan nila ni Yassi Pressman, ang TV adaptation ng 1954 movie ni Gloria Romero, ang “Kurdapya” mula sa panulat ni Pablo S. Gomez.

Bukod kina Yassi at Marco, kasama rin sa nasabing sitcom sina Ryza Cenon, Nikko Natividad, Heat Ryan, Tomas Rodriquez, Jobelyn Manuel, Akihiro Blanco, Julia Segovia, Jela Cuenca, Charles Law, Keagan de Jesus at Kurt Dy mula sa pamamahala ng writer-director na si Easy Ferrer. Ayon kay Marco, matagal na umano silang magkaibigan niYassi at matagal nang gustung-gustong magsama sa isang proyekto pero hindi umano natutuloy. Kaya masaya ang dalawa nang magsama sila finally sa “Kurdapya.”

Parang binalikan lang ni Marco ang paggawa ng sitcom dahil nagsimula siya sa isang TV sitcom sa ABS-CBN nung 2012, ang “Toda Max” na tinampukan nina Robin Padilla, Angel Locsin, Vhong Navarro, Cristine Reyes, Ai-Ai de las Alas, Pokwang at iba pa.

Limang taon ding nasa pangangalaga ng Star Magic ng ABS-CBN si Marco bago lumipat sa Viva Artists Agency (VAA) nung September 4, 2018. Kasabay niyang lumagda ng kontrata sa Viva ang dalawa niyang kapatid na sina Michelle at Kat Gumabao pero si Marco lamang ang umarangkada ang showbiz career.

Over at ABS-CBN ay nakagawasiya ng supporting roles.

Sa Viva ay naging sunud-sunod kaagad ang kanyang mga proyekto tulad ng 2018 Metro Manila Film Festival movie ng Viva, ang “Aurora” na pinagtambalan nila ni Anne Curtis. Nagkatrabaho rin sila ni Nadine Lustre sa “Ulan” at ng megastar na si Sharon Cuneta sa “Revirginized” na ipinalabas sa Vivamax streaming app nung 2021. He also did “Bahay na Pula” and “Martyr or Murderer,” all under Viva Films.

Second TV series n ani Marco sa Viva ang “Kurdapya”. Nauna na rito ang “Di Na Muli” na pinagsamahan nila nina Julia Barretto at Marco Gallo at ipinalabas sa TV5.

Samantala, although walang ipinapakilalang girlfriend ngayon ang actor, hindi umano ito nangangahulugan na hindi siya masaya.

Vanessa gagawa ng docu sa Pilipinas

PicVanessaFIL-Am actress Vanessa Hudgens is expected to arrive in the Philippines para gumawa ng isang documentary na nakatakdang idirek ng mister ni Toni Gonzaga, ang Presidential Adviser on Creative Communications, director and producer ng Ten17p na si Paul Soriano.

Vanessa is a singer and film actress na unang sumikat nang husto ng kanyang gawin ang Disney film series na “High School Musical” where she played the role of Gabriella Montez nung 2006 to 2008 which brought her to mainstream media.

Her Filipina mother is Gina Guangco habang ang kanyang American father of Irish and French descent na si Gregory Hudgens ay isang firefighter. She has a younger sister, si Stella na isa ring actress. Her dad died of cancer nung 2016.

Si Vanessa ay nagsimula sa theater bago niya napasok ang mainstream acting. Ang kanyang debut acting role ay nung 2002 sa pamamagitan ng sitcom na “Still Standing” on CBS where she played the role of Tiffany. Her theatrical film debut ay nangyari nung 2003 sa pamamagitan ng “Thirteen” where she played a supporting role. Nag-iba ang takbo ng career ni Vanessa when she started playing Gabriella Montez sa Disney Channel original movie series na “High School Musical”. Naging malaking hit din ang duet nila ni Zac Efron ng awiting”Breaking Free” . Ang dalawa ay naging magkasintahan sa loob ng halos limang taon from 2005 to 2010 pero naghiwalay din. Naging kasintahan din niya ang actor na si Austin Butler mula 2011 hanggang 2019. She is now engaged to the Major League Baseball player na si Cole Tucker. The two got engaged nung end of 2022.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE