Xian

Xian, napilitang kumain sa CR

June 15, 2022 Vinia Vivar 344 views

Umamin si Xian Lim na naging biktima rin siya ng pangbu-bully noong siya ay estudyante pa lang,

“Maybe I just didn’t fit in, ‘yung hulma ng mga bata, and I had a really strong accent when we moved in middle school,” kwento ni Xian sa Kapuso podcast na Updated with Nelson Canlas.

“There’s definitely nothing wrong with my hairstyle or my appearance. I was overweight and people were, ‘yun nga, ikaw ‘yung nakikita because you didn’t fit the mold,” aniya.

Kwento pa ni Xian, napipilitan pa siyang kumain sa CR o bathroom ng kanilang eskwelahan para makaiwas sa mga nambu-bully sa kanya.

May mga pagkakataon din daw na ninanakawan siya ng pera ng kanyang mga kaklase.

“And kids would beat me up,” sey niya.

Para kay Xian, ang panahon na ‘yun ang “most confusing and terrifying stage” ng kanyang kabataan.

“I think, it’s the most terrifying stage for me. Dahil you don’t know pa kung saan mo ilalagay ‘yung sarili mo, you’re kinda confused, all these things are happening to your body. Socially hindi mo alam sino ka ba talaga.

“Fitting in was the whole world to me, parang ganoon. Gusto kong pumasok, I wanted to gain friends, I wanted to be accepted or even my dream was even to be one of the popular kids. But that wasn’t… hindi ‘yun ang hulma ko, eh,” he said.

Kaya naman payo niya sa mga kabataan ngayon na nararanasan din ang ma naranasan niya na walang masama kung hindi ka mag-fit-in sa mga taong nakakasalamuha.

“I want the kids, ‘yung mga misfit katulad ko to know that it’s really okay. There’s nothing wrong with being a misfit. There’s nothing wrong with being the kid who doesn’t talk.

“‘Yung alam mo ‘yon ‘yong gusto lang to be in the corner, walang mga kaibigan, it’s okay,” he said.

“Kasi ako, I was very pushy. Gusto kong mag-fit in! But you don’t have to fit in, ’di ba? If you just, easier said than done, pero if you’re just yourself, you act like yourself, the right people will come in, you don’t have to chase other people. You’ll find your place,” payo ni Xian.

PINAGHANDAAN

Pinaghandaan ng sexy star na si Cloe Barretto ang pelikulang The Influencer na pinagbibidahan nila ni Sean de Guzman sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio.

Nagpa-sexy raw siya talaga nang husto before the shoot.

“Kasi, di po ba, nu’ng last movie ko kasi, medyo malaman ako, so, sabi ko sa sarili ko, kailangang sa mga susunod kong movie, plakado. Pinaghandaan ko po ito talaga,” sey ni Cloe nang makatsikahan namin sa last shooting day last Sunday.

Sa pelikula ay marami raw silang nude scenes ni Sean at maging si Direk Louie ay natulala sa tapang nila.

“’Yung unang scene ko na sexy, natulala ako!” tsika ni Direk. “First time ko na makakita. Nabaliw ako. Medyo nabaliw ako. Hanggang sa pagtulog ko, dala-dala ko.”

Nang hingan namin ng reaksyon si Cloe sa sinabi ni Direk, umamin naman siyang talagang grabe ang mga eksena nila ni Sean na dapat abangan.

“Pinaghandaan po namin ito ni Sean, pinag-usapan po namin nang sobra-sobra ‘to. Para maganda po ang kalabasan ng movie,” she said.

Sina Sean at Cloe ay parehong alaga ni Len Carrillo, isa sa producers ng movie. Dahil nasa isang kwadra sila ay para nga raw silang magkapatid kaya medyo mahirap din para sa kanila ang makipag-love scene sa isa’t isa.

“Mahirap, pero siyempre po, part ng trabaho, so…,” aniya.

Puring-puri ni Cloe si Sean dahil sobrang ingat daw talaga nito sa kanya pagdating sa mga maiinit nilang eksena.

“Maingat ding katrabaho si Sean. ’Pag mga ganu’n scene, lumalabas ‘yung pagiging magkapatid. Iko-cover po agad niya (ang private parts). Maingat po siya,” papuri ni Cloe kay Sean.

Sa movie ay ginagampanan ni Cloe ang papel na obsessed fan ng karakter ni Sean. Mapapanood ito sa Vivamax soon.

Aside from 3:16 Media Network ni Ms. Len, kabilang din sa producer ng The Influencer ang Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Nasa sa cast din sina Elizabeth Oropesa, Karl Aquino, Calvin Reyes, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Tiffany Grey at Quinn Carrillo, na siya ring sumulat ng iskrip.

AUTHOR PROFILE