Sharon

Sharon nag-reach out, muling tinanggap nina Tito Sen at Helen

June 16, 2022 Aster Amoyo 358 views

Sharon1

ALL is well that ends well sa pagitan ng Megastar na si Sharon Cuneta at ang kanyang itinuturing na second family, ang Sotto Family.

Kung matatandaan pa, naipit si Sharon sa dalawang nag-uumpugang bato nang hindi inaasahang sabay na kumandidato sa parehong posisyon sa pagka-Vice-President nung nakaraang halalan ang mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan at ang kanyang uncle na si Senate Pres. Tito Sotto. Dahil dito, hindi maiwasang magkaroon ng tampuhan sa pagitan ng dalawang kampo.

Si Sen. Pres. Tito Sotto ang itinuturing na pangalawang ama ni Sharon magmula nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama, ang dating alkalde ng Pasay City na si Pablo Cuneta habang second mother naman niya ang kanyang Mama Helen nang mawala naman ang kanyang inang si Elaine Gamboa-Cuneta. Sa halip na mga pinsan, mga kapatid ang turing ni Sharon sa mga anak ng mag-asawang Tito at Helen. Ganoon sila ka-close.

Sa pulitika maraming malalapit na magkakamag-anak at magkakaibigan ang nasisira at hindi naiiba rito ang mag-asawang Sharon at Kiko kina Tito Sen at Helen.

Last Saturday (June 11) ng gabi ay si Sharon na mismo ang personal na nag-reach out kay Tito Sen at sa pamilya nito at malugod naman siyang tinanggap ng mag-asawang Tito Sen at Helen maging ang tatlo sa apat na anak ng mag-asawa na sina Romina, Diorella at Ciara. Tanging si Quezon City vice-mayor Gian Sotto lamang ang wala roon.

Isa man ang inasintang posisyon nina Tito Sen at Kiko nung nakaraang halalan, pareho naman silang hindi pinalad na manalo kaya balik sila sa kanilang pribadong buhay after June 30.

Ang tanong, kailan naman daw kaya `makikipag-ayos’ si Sen. Kiko sa pamilya ni Tito Sen?

Nadia mag-isang pinalaki ang walong anak

WONDER woman” ang tawag namin sa 49-year-old actress-entrepreneur and vlogger na si Nadia Montegro for being able to raise eight beautiful children single-handedly when her longtime partner, the late politician Macario `Boy’ Asistio, Jr. passed away on February 6, 2017, mahigit limang taon na ang nakakaraan.

Kahit nung nabubuhay pa ang kanyang dating partner ay si Nadia na rin halos ang bumubuhay sa kanyang pamilya including Boy’s granddaughter (sa dati nitong partner, ang L.A. based-singer na si Djohanna Garcia) na si Samantha Asistio na itinuring na niyang isang tunay anak.

Pito ang biological children ni Nadia sa kanyang yumaong partner at pangwalo si Samantha sa kanila. Sa walong anak, pito ang babae at may isa siyang anak na lalake na si Xander.

Sa walong anak, lima na rito ang nakapagtapos sa kanilang pag-aaral habang ang tatlong mas nakababatang magkakapatid ay nagpapatuloy sa kanilang studies.

Ang panganay na si Alyssa ay nagtapos ng Dentistry at nag-asawa nung nakaraang February 2022.

Pumapangalawa ang actress na si Alynna `Ynna’ na tapos naman ng Mass Communication major in Broadcasting.

Ang pangatlo ay si Alynna na nagtapos ng Culinary Arts bilang scholar ng International School for Culinary Arts and Hotel Management.

Pang-apat si Annyka na tapos naman ng Political Science na siya ring kinuha ng kanilang kaisa-isang kapatid na lalake na si Xander.

Dahil malalaki na at nasa tamang edad na ang limang mas nakatatandang anak ni Nadia, hindi talaga maiiwasan na magkani-kanya na rin sila ng buhay na sinimulan ng may asawa nang si Alyssa at mister nitong si Mac London.

Mahirap man na mapawalay sa kanya ang kanyang mga anak, tanggap ng aktres na di talaga ito maiiwasan. Pero ang maganda, kasama niya lahat ng kanyang mga anak on weekends.

Nadia admits na pinalaki niya ang kanyang mga anak na nasa sentro ang Diyos ng kanilang mga buhay kaya lumaking mababait, masunurin ang marespeto ang mga ito.

“My children are my treasures in life!” deklara ni Nadia.

James at Nadine naispatang magkasama

NAISPATAN ang dating magka-loveteam and former couple na sina James Reid at Nadine Lustre last Sunday sa fashion ball ng Mega.

Despite them not a couple or a loveteam anymore, nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan kaya walang dahilan na sila’y magkaiwasan sa mga okasyon na hindi inaasahang magkikita.

James declares that he’s still single up to now habang ang kanyang ex-partner na si Nadine is openly dating Filipino-French businessman na si Christophe Barious who runs a business establishment in Siargao na siyang rason kung bakit madalas sa nasabing lugar ang singer-actress at celebrity endorser.

Kung si Nadine ay aktibong muli ang career sa bakuran ng Viva, si James naman ay focused sa kanyang sariling music and talent management company kung saan kabilang si Liza Soberano.

Sina James at Nadine ay nag-issue ng official statement about their break-up in January 2020.

Carla

Carla ‘di binati ni Tom

KAARAWAN nung June 12, Philippine Independence Day ng tatlong kilalang personalidad na sina Carla Abellana (36), ang singer-musician na si Bayang Barrios (54) at ang isa sa Dabarkads ng “Eat Bulaga” na si Ryzza Mae Dizon who turned 17.

On her Instagram account, isang black and white photo ang in-upload ni Carla on her birthday na may simpleng message na “My birthday wish is to be happy.”

Apparently, walang pagbati mula sa kanyang (ex) husband na si Tom Rodriguez.

Speaking of Tom, parang akma sa nangyari sa kanya at sa kanyang (ex) wife na si Carla ang kanyang mensahe sa kanyang Instagram account na may kinalaman sa kanyang hugot movie with Viva, ang “The Last Five Years” with Meg Imperial.

“Nakilala, nagmahal, nasaktan. Kailan ka huling umiyak dahil sa pag-ibig?”

Samantala, si Ryzza naman ay kasama ang kanyang “Eat Bulaga” family.

Shandii

Pagpanaw ni Direk Shandii nakabibigla

SOBRANG nakakabigla ang maagang pagpanaw ng director, producer and talent manager na si Mark Shandii Bacolod nung nakaraang Huwebes, June 9, 2022 na nangyari sa Bangkok, Thailand while he was preparing to shoot another movie project.

Masaya pang nakipag-tsikahan si Direk Shandii sa mga taga entertainment media via zoom last May 31 para sa kanyang dinirek na erotic-suspense-thriller TV mini-series na “Love at the End of the World” for Vivamax streaming kung saan tampok sina Rex Lantano, Markki Stroem, Nico Locco at iba. Ito na bale ang huling pagkakataon na siya’y nasilayan ng mga taga entertainment media.

Direk Shandii was only 37 when he passed on.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE