Xian

Xian, bet pagsamahin sina Cesar at Echo sa ‘Jose Rizal’ movie

April 25, 2023 Ian F. Fariñas 549 views

SOBRANG na-enjoy ni Xian Lim ang pakikipagtrabaho kina Ryza Cenon at Direk Fifth Solomon sa period romance drama na Sa Muli dahil kakaiba raw ito sa mga regular na ginagawa niyang proyekto.

Katwiran niya sa matagumpay na red carpet premiere ng pelikula sa SM North EDSA The Block, “Para po rito sa pelikula, it’s more of trying to do something different. Kung mapapansin n’yo, it’s not the usual Xian na serious. I think it’s a more, it’s a lighter approach and at the same time ‘yung fun lang. And I think there’s a Pepe in everyone. Kasi ‘yun, eh. I just wanted the character to be fun. So I think it’s a challenge na tatlong, 1900s, 1950s and 2020 ‘yung ginampanan ko. Pero hearing the audience react to the scenes, it’s all worth the pagod and nakakataba lang ng puso.”

Bilang Pepe sa Sa Muli na tumatalakay sa reincarnation, ginagampanan ni Xian ang tatlong karakter: Sina Victor (1900s), Nicolas (1950s) at Pep (2020).

Nang tanungin kung bet niyang makagawa rin ng period film bilang direktor at kung ano ang naiisip niyang gawin, “Jose Rizal” ang isinagot niya.

“I mean it’s been done so many times, so many people portrayed Jose Rizal but it will be nice to have my take on it. And lalo na ngayon sa panahon ngayon tulad sa Marvel, nagkakaroon ng iba’t ibang universe?

What if lahat ng gumanap ng Jose Rizal from different universe, pinagsama-sama mo, ‘di ba?”

At binanggit na nga ni Xian ang mga pangalan nina Cesar Montano at Jericho Rosales bilang mga nagsiganap na sa papel ng Pambansang Bayani dati.

“Wala lang, from the top of my head lang. Juan Luna would be a nice… (Sino si Maria Clara?) I wouldn’t know. I think it’s just gonna be tricky especially now that we’re recovering from the pandemic era. Sana sumuporta pa yung mga tao sa sinehan. Para maibalik yung dati na mas matagal ‘yung preparasyon. Kaya naman, eh, kaya,” diin ni Xian.

Anyway, showing na sa mga sinehan ang Sa Muli ngayong Miyerkules, April 26, mula sa Viva Films.

AUTHOR PROFILE