Alden

ALDEN, ’DI FAN NG INIT

April 25, 2023 Ian F. Fariñas 357 views

HINDI pala fan ng init o mainit na panahon si Alden Richards.

‘Yan ang isa sa mga inamin niya kahapon sa pagpirma niya ng kontrata bilang bagong endorser ng Brilliant Skin Essentials ni Miss Glenda.

Kwento ni Alden, “Medyo nakakatawa po kasi ako, eh,” panimulang paliwanag ng aktor-TV host. ’Di po kasi ako fan ng init. So sometimes what we do on summer days, very seldom, we go on trips abroad with family sa mga lugar kung saan winter. Makatakas man lang sa init ng Pilipinas. Pero kung hindi naman po, kahit papaano, I see to it na nadadala ko rin sila sa beach kahit by land lang yung travel kasi taga-Laguna naman po talaga ako so most of the time po nadadala ko po sila sa Batangas. So, yun po, swimming-swimming po kami du’n.”

Kaya naman masasabing perfect endorser nga si Alden ng produktong Sunscreen Gel-Cream ng Brilliant Skin Essentials ni Miss Glenda dahil mas naaalagaan nito ang kakinisan at kagwapuhan ng Kapuso actor lalo sa panahon ng tag-init gaya ngayon.

Isa pa raw, gel ang texture nito na may sheer finish kaya hindi malagkit at safe and effective laban sa UVA at UVB rays ng araw.

Bukod sa Sunscreen Gel-Cream, may iba pang mga produkto na ie-endorse si Alden sa Brilliant Skin Essentials, ani Miss Glenda, kaya abangan.

AUTHOR PROFILE