Julio

Julio bumabawi sa anak

April 26, 2023 Aster Amoyo 721 views

Julio1​TATLONG taon at kalahati ring nagdusa sa loob ng kulungan ang veteran actor na si Julio Diaz na may kinalaman sa droga na siyang nagpamulat sa kanya na walang maidudulot na mabuti ang masamang bisyo.

​Ayon sa 64-year-old actor, marami siyang realization habang nasa loob siya ng kulungan at doon siya naging malapit sa Diyos.

​Kahit matagal na siyang hiwalay sa kanyang ex-wife na si Maricel (daughter of LVN star na si Marita Zobel) at meron na itong ibang partner, nananatili silang magkaibigan dahil na rin sa kanilang kaisa-isang anak na si Anna Karissa or Carrie. Katunayan, dumalaw sa kanya sa kulunga ang kanyang dating misis, anak nasi Carrie at mother-in-law niyang si Marita Zobel, isang bagay na kanyang pinahahalagahan.

​Dumalaw rin sa kanya ang kanyang dating misis at mother-in-law nang siya’y ma-stroke at maoperahan for aneurysm in 2016.

​Hindi ikinakaila ng actor na malaki umano ang kanyang atraso sa kanyang kaisa-isang anak na siCarrie kaya gusto niyang makabawi rito.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang ex-wife na siMaricel na pinalaki niya ang kanilang anak na mabait, marespeto at may takot sa Diyos kaya hindi itonagkaroon ng hatred sa kanya hanggang sa kanyangpaglaki. Hindi rin umano nagbago ang trato at pakikitungo sa kanya ng kanyang dating misis magingang kanyang biyenan, bagay na kanyangipinagpapasalamat.

​Mag-isang namumuhay sa kanyang townhouse in Antipolo si Julio. Ang kanyang ipinatayong townhouse sa Bulacan ay kanyang pinauupahan.

​Nung 2016, walang mag-aakalang mabubuhay pa si Julio matapos itong magkaroon ng aneurysm at maoperahan at marami ang nagsabi na miracle ang kanyang pagkabuhay.

​Sa tulong ng kanyang mga kaibigan sa industriya including Coco Martin, Robin Padilla, Vivian Velez, Jaclyn Jose, Nadia Montenegro at marami pang iba na nag-ambag-ambag, muling naisalba ang buhay ng actor na ini-enjoy ngayon ang kanyang pangalawang buhay.

Gayunpaman, two years later in 2018, nahuli at nakulong si Julio na may kinalaman sa droga na ayon sa kanya ay nadamay lamang siya dahil sa kanyang dating driver na siyang nagtutulak ng droga who was under surveillance na noon.

​Sa loob ng kulungan, gumawa ng covenant saDiyos si Julio na never umano siyang mai-involve saanumang masamang bisyo.

​“Binigyan na Niya ako ng pangalawang buhay ko nung 2016 nang muli Niya akong buhayin,” pahayag niJulio sa aming exclusive na panayam sa kanya saaming online show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

​Habang nasa loob siya ng kulungan ay hindiumano nagpabaya ang ilan niyang mga kaibiganincluding Coco Martin. At paglaya niya ay sina Coco at Direk Brillante Mendoza kaagad ang tumulong sakanya na siya’y mabigyan ng trabaho.

​Coco included him sa kanyang bago at tumatakbong action-drama series na “FPJ’s BatangQuiapo” at kaagad din siya isinama ni Direk Brillante sa pelikulang “Apag” na tinampukan nina Coco, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Gina Pareno at iba pa nanapasama sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na nagtapos last April 18. Ito’y bukod pa sa mgapelikula under his home studio, ang Viva Films.

​“I am so blessed!” aniya.

​Kahit mahigit isang taon at kalahati pa lamang siyang nakakalaya, sumubok siyang mag-apply ng isang auto loan sa isang bank at siya’y na-aprubahan kahit na wala siyang ITR (income tax returns) at bank account na maipakita. Nag- loan siya ng isang brand new car na kanyang ibinigay sa kanyanganak.

​“Naawa ako sa anak ko na parati na lamang nagga-grab o nagtataksi papasok sa kanyang trabaho at maraming pagkakataon na nahihirapan siyangmakakuha ng sasakyan,” kuwento pa ni Julio.

​There was also a time in his career nanapagkamalan siyang baliw ng ibang tao dahilnamumulot umano siya ng mga bato not them knowing na ginamit niya ang mga ito sa stone hedging, another form of art. Ang mga natapos niya ay ibinigayniya sa kanyang mga kaibigan sa industriya.

​Sa halip na patulan ang mga maling akala sakanya, hinayaan na lamang niyang mag-die down ang isyung ipinukol sa kanya. Pero hindi nito ikinakaila namay pagkakataong naapektuhan siya at ito’y dinibdibniya.

​Ang pangalang Julio sa kanyang screen name ay nagmula sa character ni Bembol Roco as Julio Madiaga sa pelikulang “Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag” na dinirek ng yumaong premyadong director na si Lino Brocka in 1975.

​The four-time nominee as Best Actor at Best Supporting Actor sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino started his showbiz career in 1984 nang gawin niya ang “Sinner or Saint” with the late Claudia Zobel. Nakatambal din niya si Dina Bonnevie sa pelikulang “Paaano Tatakasan ang Bukas” nung 1988, with Janice de Belen in “Kailan ka Magiging Akin,” “Sakay” with Tetchie Agbayani, “The FlorContemplacion Story” with Nora Aunor, “BalahibongPusa” with Rica Perajelo, “Lapu-Lapu” with actor-politician Lito Lapid, “Batanes” with Iza Calzado, “Serbis” with Gina Pareno, “Kinatay” with Coco Martin at marami pang iba.

​Karamihan ng mga pelikulang pinamamahalaan ng Cannes’ Best Director na si Brillante Mendoza ay kasama siya.

​“Estudyante pa kami pareho ni (Direk) Brillante ay magkaibigan na kami,” aniya.

​“Naging close naman kami ni Coco (Martin) samga pelikulang dinirek ni Brillante na magkasamakami,” paglalahad pa ni Julio.

​“I was at the lowest of my (showbiz) career nangisama ako ni Coco sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” dugtong pa niya.

​“Bukod kina Coco at Brillante, gusto kongmagpasalamat unang-una sa Diyos at lahat ng tumulong sa akin nung maoperahan ako for aneurysm. Alam ninyo kung sinu-sino kayo,” aniya.

​“Wala na siguro ako ngayon kung hindi dahil sainyong tulong,” patuloy niya.

​Ngayong muli siyang nabigyan ng bagongpagkakataon, gusto niyang pagbutihin ang kanyangtrabaho bilang actor at makabawi sa kanyang anak nasi Carrie. Pinasasalamata din niya ang kanyang dating misis na si Maricel at mother-in-law na si Marita Zobel sa kanilang suporta at pang-unawa sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan.

​“Doon pa lamang ay sobra akong nagpapasalamatsa kanila,” pagtatapos niya.

Enrique handa na sa pagbabalik

EnriqueEnrique1​IT was last Tuesday, April 25 nang muling lumagda ng kontrata sa bakuran ng ABS-CBN ang actor-dancer na si Enrique Gil after in hiatus for almost three years. He was accompanied in the contract signing of his new manager na si Randvel Rufino, eldest and only son of Viva executive and talent manager June Torrejon-Rufino.

​Huling napanood si Enrique (31) sa TV series na“Make It with You” with reel and real partner Liza Soberano in 2020. Ang nasabing serye ay isa sanawala dahil sa pandemic at sa pagkawala ng prangkisang Kapamilya network nung May 5, 2020.

​Although nagpatuloy ang ABS-ABS sa kanilangdigital platform at pakikipag-alyansa with Channel 11 now A2Z at TV5, Enrique opted to stop for sometime only to resurface recently.

​Present during the contract signing with ABS-CBN were the top executives of the network napinangunahan nina Mark Lopez (Chairman), Carlo L. Katigbak (President & CEO), COO Cory Vidanes at ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal who are as excited as Enrique sa kanyangmuling pagbabalik.

​Although supportive boyfriend si Enrique sanaging desisyon ng kanyang girlfriend na si Liza, he has his own career to take care of lalupa’t naging in-active siya for three long years.

​Si Enrique ay dating nasa pangangalaga ng singer, actor at talent manager na si Carlo Orosa, actor-comedian, talent manager at vlogger na si Ogie Diaz at ng ABS-CBN kung saan siya nakilala nang husto at kung saan nabuo ang kanilang dating loveteam ni Liza at nakapaghatid ng ilang hit TV series tulad ng “Forevermore,” “Dolce Amore,” “Bagani” at mga box office hit movies tulad ng “Just the Way You Are,” “My Ex and Whys,” “Seven Sundays,” “Alone/Together” at iba pa.

​Kapag ang Dreamscape Entertainment ni Deo ang humawak ng isang proyekto, tiyak na ito’y kakagatin ng mga manonood at nagiging tunay na actor ang mganagsisiganap sa kanilang respective characters.

​Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng ABS-CBN at ng Dreamscape ang comeback project ni Enriquebkung saang inaasahang tatayo siya bilang actor without banking on his loveteam with Liza.

Expose ni Tito makakaapekto sa ‘Eat Bulaga’

PicPic1TVJMANATILI pa kaya sa “Eat Bulaga” ang isa sa pillars ng top-rating and longest-running noontime show na si Tito Sotto matapos niyang kontrahin ang mga pahayag ng Mayor ng Dapitan City at isa sa mga anak ng businessman at dating politician na si Romeo `Romy’ Jalosjos, Jr. na si Mayor Bullet na siyangtumatayong Chief Finance Officer (CFO) ng TAPE, Inc. na siyang pinamunuan dati ni Tony Tuviera which made the noontime program the longest-running noontime show not only in the Philippine but throughout the world.

​Si Mayor Bullet ay nag-guest recently sa “Fast Talk with Boy Abunda” on GMA ending speculations hounding on the rumored shake-up sa “Eat Bulaga”.

Pero days later ay kinontra ito ng dating Senate President at isa sa mga poste ng “Eat Bulaga” na sidating Sen. Tito Sotto.

​Tony Tuviera, Tito, Vic & Joey and the rest of cast ng programa made wonders on the show making it withstand all the challenges na kinaharap nito in their 42 years.

​Sa darating na July 30, 2023 ay ika-43rdanniversary ng programa.

​Dahil sa ginawang `expose’ ni former Sen. Tito Sotto sa mga totoong nangyayari at kaganapan sabagong pamunuan ng “Eat Bulaga,” tiyak namagkakaroon ng mga pagbabago na may halos dalawang buwan.

AUTHOR PROFILE