Alden

Alden, walang kinalaman sa ‘hawian’ issue

April 26, 2023 Jun Nardo 346 views

WALANG kinalaman si Alden Richards sa mga humawi sa press na gustong mag-interview sa kanya matapos ang question and answer portion sa launching niya as endorser ng Brilliant Skin Essentials.

Galing sa kliyente ang bodyguards at hindi sa Sparkle. Kung merong dapat bakbakan, ang kliyente at hindi si Alden o ang Sparkle.

Bayad ng kliyente ang bodyguards kaya kung ano ang pinagagawa sa kanila, susundin nila.

Alam ni Alden ang kahalagahan ng press sa career niya. Marunong siyang rumespeto sa mga ito. Kung hinihila na siya ng bodyguards ng kliyente, trabaho nila ‘yon.

Dapat, ang PR ng kliyente ang nag-asikaso ng one-on-one interview. Ipinaalam na wala nang interview after the Q and A para hindi na umasa ang press at vloggers.

Basta may oras si Alden, bakit naman hindi siya magpapa-interview sa press na nakatulong sa estado niya ngayon? Baka naman may next appointment pa, huh?

End of story na at huwag nang makisawsaw pa ang iba.

FRESH FACES SA SUMMER PLUG

PUNUMPUNO ng inspirasyon ang summer campaign ng GMA network sa umeereng programa na nagpapakita kung bakit love ng publiko ang summer.

Sing-init ng summer ang mga eksenang napapanood sa GMA afternoon dramas na Abot Kamay Na Pangarap, Ara Bella at Underage.

Gayundin sa primetime shows na Lihim Ni Urduja, Hearts on Ice at The Write One.

Brighter din ang summer sa daily at weekly shows ng Kapuso Network gaya ng Fast Talk With Boy Abunda, Magpakailanman at iba pa.

Bida sa summer plug ang fresh faces ng Sparkle Teens at ang summer plug jingle na Summer of Love ay kinanta nina Lexi Gonzales, Sean Lucas, Tanya Ramos at Mat Lozano.

Composed ang upbeat at catchy tune ni Natasha Correos at sinulat naman nina Jann Fayel Lopez at Cristine Autor ang lyrics.

AUTHOR PROFILE