Default Thumbnail

Wanted na karnaper nabingwit sa Baguio

January 2, 2023 Jonjon Reyes 275 views

ISANG 33-anyos na drayber na may kasong carnapping ang inaresto ng mga operatiba ng District Investigation Division (DID) ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District (MPD) sa bisa ng arrest warrant sa Baguio City, unang pasok pa lamang ng taong 2023.

Ang suspek ay pawang residente ng Sarok Camp 7, Baguio City.

Ang suspek ay kabilang sa listahan ng “most wanted person” (MWP) na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10883 (An Act Providing New Anti-Carnapping Law)

Batay sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng MPD SMaRT, pasado alas 4:05 ng hapon nitong Enero 1, 2023, nang arestuhin at posasan ang binatang suspek sa tinutuluyan nitong bahay.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Zita Marie Magundayao Atienza-Fajardo , Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 224, National Capital Judicial Region, Quezon City na may petsang Setyembre 2, 2022 dahil sa nasabing kaso.

Ayon kay Samonte, bago nila tinungo ang kinaroroonan ng suspek, ay nakipagkoordina muna sila sa Kennon Police Station 8 ng Baguio City.

Kaagapay nila Samonte ang ilang tauhan ni Police Senior Master Sargent Ferdinand Reynante ng Criminal Investigation Unit ng NCRPO (National Capital Region Police Office) sa ginawang pag-aresto sa suspek.

Gayunman, iniutos ng korte na maglagak ng piyansang P300,000 para sa pansamantala nitong paglaya.

AUTHOR PROFILE