Default Thumbnail

WALANG KATAPUSANG ‘KAPALPAKAN’ SA BUREAU OF IMMIGRATION!

March 25, 2023 Marlon Purification 361 views

Marlon PurificationHINDI pa lusot ang pamunuan ng Bureau of Immigration.

Sinabi ito mismo ni Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito matapos bigyang diin na masinsinan pang susuriin ng Mataas na Kapulungan ng Congres ang ulat ng ‘unprofessionalism’ at ‘inefficiency’ ng departure protocol at procedures para sa mga international-bound passenger.

Nauna nang inihain ni Ejercito ang Senate Resolution No. 560 bilang tugon sa insidente kamakailan ng mga Filipino traveler na na-miss ang kanilang flight dahil sa nakakainis at hindi makatuwirang departure protocol at procedure ng BI.

Anang senador: “The power of the Bureau has been a subject of abuse over the years where there have been previous incidents of its officers subjecting travelers to a tedious and unreasonable departure procedure, causing travelers to miss their flights or their departure deferred by the officer altogether.”

“There is an urgent need to review the processes and departure protocols being implemented by the Bureau for international-bound passengers to avert similar incidents and to ultimately protect every Filipino citizen’s guaranteed constitutional right to travel,” wika pa niya.

Inihalimbawa ni Ejericto ang kaso ng isang Pinay na hindi nakasakay sa scheduled flight patungong Israel matapos sumailalim sa mahaba, walang kaugnayan at hindi makatuwirang tanong ng isang immigration officer.

Paliwanag naman ng BI, ang luma­lalang sitwasyon ng human trafficking at illegal recruitment sa bansa ang nag-udyok sa ahensya na magpatupad ng mas mahigpit ng panukala sa mga pasaherong umaalis ng bansa.

Subalit sa 32,404 Pinoy na naantala ang pag-alis noong 2022, 472 pasahero lamang ang napatunayang biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

May 873 biyahero naman ang nahuling nagsisinungaling o nagpiprisinta ng mga pekeng dokumento.

Kung pagbabatayan ang 32,404 Pinoy na pasahero ang ‘naperwisyo’ ng BI, sukdulan na ang kapalpakang ito.

Naniniwala ako na ‘intensiyunal’ ang ginagawang panggigipit ng ilang BI personnel sa mga pambansang paliparan upang mapilitang ‘sumuka’ ng pera ang mga pasahero para maglagay ng ‘tong’ sa mga kawani ng pamahalaan.

Masyadong mahaba na ang listahan ng mga reklamo’t sumbong laban sa ilang BI personnel. Làbas pa riyan ang matinding anomalya at bentahan ng iba’t ibang ‘immigration documents’ sa mga banyaga.

Minsan tuloy masarap itanong kay BI Commissioner Norman Tansingco na ‘kaya mo pa ba Sir?’

O kaya salitang kabataan ngayon na ‘Kaya today, Kuya?’