Default Thumbnail

Wala nang sense, wala pang humor!

December 2, 2021 Marlon Purification 287 views

Marlon PurificationHINDi ko alam kung sino ang nakaisip at kung bakit pumayag si Vice-President Leni Robredo para gawin ang Hadouken o Kamehameha Wave sa social media.

Napaka-trying hard nito at sobrang OA!

Sa mga hindi pa nakakakita, isang content sa Tiktok ang ipinalabas ng kampo ni Robredo.

Ang dalawang kamay nito ay magkalapat. Nakabuka ito na animo’y may isang kapangyarihan na nakikita lamang sa mga lalong pambata o palabas na anime’.

Ang tawag ng kabataan dito ay Hadouken na hango mula sa Campcom’s street fighter na computer games, habang iyong ibang sumusubaybay sa Dragon Ball ay Kamehameha Wave ang tawag sa ginawa ni Leni.

May hiwalay ding Tiktok na ginawa sina Robredo at ang running-mate na si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

‘Pick-up lines’ naman ito na sila-sila lang ang natawa!

Pasensya na sa mga Dilawan pero talagang sobrang korni nito!

Mas katawa-tawa pa para sa akin sa tuwing may naririnig akong kasamahan sa media na kung tawagin si Kiko ay Boy Kornik.

Kahit saang anggulo natin tingnan, ang pangit nito at kahit katiting ay wala talagang kabuluhan.

Maaaring ang pakay nina Leni ay ginawa ito para maramdaman sila ng kabataan at ng simpleng masa.

Mga nagpapaka-cool, na hindi naman!

Ang problema pa, ang sama na ng content, ang sama pa ng atake at ang sama pa lalo ng delivery.

Halata tuloy na pilit nilang ginagaya ang pagiging komikero ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Siguro, tiningnan nila na simula nang magpatawa si Digong noong 2016 presidential debate, doon sumirit paitaas ang ratings ni vice-presidential bet Inday Sara Duterte.

Ang problema lang, hindi lahat ng tao ay marunong magpatawa.

Hindi lahat ay may ‘sense of humor’ na katulad nina Digong at ng yumaong Senadora Miriam Defensor Santiago na talaga namang tumatak sa kabataan ang mga hugot at pick-up lines ng dating ka-tandem ni Bongbong Marcos.

Talent po ang pagkakaroon ng sense of humor kaya kung wala kayo nito ay huwag na kayong magpaka-trying hard para magpatawa sa masa.

Kasi iyong Hadouken at pick-up lines nina Leni at Kiko ay wala nang sense, wala pa lalong humor.

Sabi tuloy ng isang kasamahan kong media, ‘ganyan na ba talaga kababaw ang tingin nina Leni sa ating mga botante?

Na sa tingin nila dahil sa pagiging jologs na patawa ay makakukuha sila ng boto?

Si Senate President Tito Sotto nga na isang komedyante ay hindi ito ginagawa ngayong panahon ng eleksiyon, tapos kayo magpapaka-trying hard na gawin ito?

Bakit ba hindi na lang ninyo ayusin ang inyong mensahe at ihayag sa publiko ang inyong plata porma de gobyerno?

Tutal, nagpapakilala rin namang Ina ng Bayan si Robredo, bakit hindi na lang mala-Manong Bodjie at Ate Shena ng Batibot ang gawin nilang mensahe para kahit papano ay may kapulutang aral ang ating mga kababayan.

Sa ginawa nilang ito, lalo na tuloy akong naniwala na dapat talagang bansagang #Lugaw si Leni!