Default Thumbnail

WALA NANG MAKAPIPIGIL PA SA PAGIGING CONGRESSMAN NI SEC. ERWIN TULFO!

July 13, 2023 Marlon Purification 301 views

Marlon PurificationTULUYAN nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang panibagong hirit na pumipigil paupuin bilang ‘nominee’ ng ACT-CIS Partylist si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.

Ibig sabihin, mula sa pagiging Cabinet secretary ay tatawagin na natin si Sec. Erwin bilang Congressman Erwin Tulfo ngayon!

Asahan natin ang pagdalo ni Cong. Erwin bilang kinatawan ng Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) sa nalalapit na ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni President Bongbong Marcos Jr. sa darating na July 24, taong kasalukuyan.

Kung inyong matatandaan, tinangka pang pigilin sa ikalawang pagkakataon ang pag-upo ni Cong. Erwin sa Comelec.

Mabuti na lang at nitong nakalipas na Miyerkules ay muling pinagtibay ng Comelec sa pamamagitan ng ‘en banc resolution’ ang nauna nilang direktiba na lehitimo ang pag-upo ni Tulfo bilang 3rd nominee ng ACT-CIS.

Ang ACT-CIS partylist ang may pinakamataas na boto sa partylist nitong 2022 national elections.

Sa naturang resolution, sinabi sa ‘en banc’ na wala silang makitang dahilan upang baligtarin ang nauna nilang desisyon noong buwan ng Mayo.

Ang ‘petitioner’ na si Atty. Moises Tolentino Jr.’s ay nagsimute anila ng ‘motion for reconsideration’ na lags na sa ‘prescribed period’ ng kautusan.

“While it is true that application of technical rules of procedure may be relaxed to better serve the ends of substantial justice, there is nothing in this case that would justify the non-compliance of the Petitioner with the rules,” anang desisyon.

Sinabi ng 2nd Division ng Comelec na ibinasura nila ang DQ case ni Tulfo dahil sa kawalan ng ‘jurisdiction’ upang tugunan ang petisyon.

Sa halip, ang pagpigil anila sa pag-upo ni Tulfo bilang kinatawan ng Mababang Kapulungan ay dapat na isinumite sa House of Representatives Electoral Tribunal.

Dahil sa desisyong ito, nabigyang tuldok din ang katanungan kung papaupuin pa ba bilang kongresista si Tulfo o hindi!

Aminin o hindi ng mga may ‘inggit’ kay Sec Erwin, este kay Congressman Erwin pala, si Tulfo ang may pinakamataas na ‘approval ratings’ na ‘government official’ noong nasa DSWD pa ito.

Walang makalilimot sa ‘aksiyon-mabilis style of management’ ni Cong. Erwin, lalo na są tuwing nasusubok ng kalamidad ang bansa.

Maagap itong nakapagbibigay ng tulong sa mga kababayang nangangailangan at mabilis ding nakakapag-report nang mấayos sa pamahalaan.

Isa sa tumatak sa tao kay Cong. Erwin ay ilang minuto pa lamang niyanig ng lindol ang Luzon region ay nakasakay agad ito ng ‘helicopter’ upang personal na alamin ang kalagayan ng mga apektado nating kababayan.

Walang nakagawa nito noon at ngayon!

Kaya nga nang hindi siya palusutin sa makapangyarihang ‘Commission on Appointments’ (CA), maraming nalungkot dahil tunay namang ‘asset’ ng BBM administration ang isang Erwin Tulsa.

Ngayong kongressman na si Idol Erwin, abangan naman natin ang magiging performance nito bilang isang piskante sa Kamara.

Hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman na noong ‘broadcast-journalist’ pa lamang si Cong. Erwin ay kabi-kabila ang ginagawa nitong pagbubunyag sa mga anomalya sa pamahalaan.

Nasa lahi na ng kanilang pamilya ang labanan ang mga corrupt sa pamahalaan at tulungan ang mga inaapi sa lipunan.

Kaya kung may Senador Raffy Tulfo sa Senado, subaybayan na natin ang pagratsada ni Congressman Erwin Tulfo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Congratulations kay Congressman Erwin Tulfo at sa kanyang team, lalo na sa utol nating sobrang sipag, mabait at magaling na si dating DSWD Undersecretary Jerico Javier na ngayo’y isa nang Chief of Staff Jerico Javier!

Congrats sa inyo, mga bossing!

Cheers!!!