Vice

Vice, tanggap ang pagbagsak ng ‘Showtime’

December 27, 2021 Vinia Vivar 468 views

Nagkaiyakan ang hosts ng It’s Showtime sa mismong araw ng Kapaskuhan.

Nagsimula ang pagiging emosyonal ng lahat nang magawa nilang makapag-group hug, bagay na matagal na nilang hindi nagagawa because of the safety protocols.

“Ang sarap talaga ng hug,” sabi ni Amy Perez.

“Thank you, Lord! Ang tagal nating hindi nagawa ito. Kaya ang sarap ngayong nakapag-hug na tayo sa bawat isa,” sabi naman ni Vhong Navarro.

Nang tanungin ni Vice Ganda si Jackie Gonzaga kung ano ang kanyang dasal since lagi itong nagli-lead ng prayers nila, dito na nagsimula ang iyakan.

“Alam ko talaga na si Lord alam niya ’yung nasa puso natin. Kaya ’yung prayer ko paulit-ulit. Kasi sabi ko, kahit ’di ko masabi ’yung gusto n’yong sabihin, alam Niya kung ano ’yung nasa puso n’yo. Alam Niya ’yung gusto niyong mangyari,”

“Kaya kahit hindi masabi du’n sa mismong prayer, matutupad pa rin. Kasi si Lord, alam lahat ng makakabuti sa ’tin. Kaya ibibigay Niya pa rin,” emosyonal na sabi ni Jackie.

Hindi rin napigil ni Kim Chiu ang mapaiyak habang sinasabi kung gaano kalaki ang pasasalamat niya na naging part siya ng It’s Showtime family.

Ani Kim, binigyan siya nito ng confidence at bagong pamilya.

“Kahit sobrang bigat ng pinagdadaanan natin, nada-divert natin kasi kailangan natin magpasaya,” sabi pa ni Kim.

Teary-eyed din si Vhong na nagpasalamat kay Lord na laging nagbibigay ng gabay na magpatuloy sa show.

Napaluha rin si Tyang Amy habang nire-recall ang mga pagsubok na ibinigay sa show at nakayanan nilang lahat.

“Umakyat tayo, bumaba tayo, umakyat tayo, bumaba pa rin tayo, umakyat pa rin tayo, pero sa lahat ng panahon na ‘yon, kasama pa rin natin si Lord,” sabi ni Amy.

Sey naman ni Vice, “Hanggang ngayon, nasa baba pa rin naman kami, pero ang sarap lang na nasa baba pero tayo pa rin ang magkakasama.

It will be even harder kung hindi tayo magkakasama. And Lord, we appreciate this moment na nasa baba kami, alam naming may plano ‘to.

Thank you.”

Naging emotional din si Ogie Alcasid at nagpasalamat sa napakagandang blessings sa kanya ni Lord na bigyan siya ng panibagong pamilya.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Vice sa kalagayan ng show at kung paano nila ito tinanggap. “Sa maraming panahon na umeere tayo at nandirito tayo, never nating nabanggit na ang baba-baba natin. Siguro for the longest time, it was very hard for us to acknowledge reality, to accept what is really happening.

“Ang bigat i-accept na bumabagsak ba tayo. Parang feeling natin, high tayo lagi, eh. Alam natin for a time, nasa taas tayo, eh. Pero hindi natin nababanggit na nasa baba tayo.

“Pero ngayon, na-accept na natin. At okay lang pala ’yun, no? And okay ma-accept na nasa baba tayo. Ang okay ma-accept na we feel so low.

But while feeling so low our hearts became even bigger. And that makes us even taller.

“Ngayon natatanggap na natin na, oo nga, wala na ho kami sa taas. Nasa baba kami ngayon. But, Lord it’s okay for as long as we are together,” pahayag ni Vice na inayunan ng lahat at muli silang nag-group hug.

AUTHOR PROFILE