Nadine

Nadine, mag-isang nanawagan ng tulong

December 27, 2021 People's Tonight 437 views

MAG-ISANG nanawagan ng tulong si Nadine Lustre sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Odette.

Isa-isang inilabas ni Nadine sa kanyang Instagram ang mga probinsiyang kailangan ng tulong – Cebu, Palawan, Bohol, Dinagat, Negros at Leyte.

Sinamahan pa ito ng aktres ng mga picture sa lugar na nasalanta.

’Di ba, nasa Siargao si Nadine? Bakit parang si Andi Eigenmann lang ang humihingi ng tulong?

PASKO BUONG TAON SA NEGOSYO NI KEN

KAINGGIT-INGGIT naman ang investments sa negosyo ng Kapuso actor na si Ken Chan — sampung gas stations.

Eh, last December 26, binuksan ni Ken ang kanyang Café Claus sa may Visayas Avenue, QC. Unang branch pa lang ito dahil sa susunod na buwan ay magkakarooon ng branches ang Café Claus sa Greenhills at BGC sa Taguig.

Three years in the making ang ambience sa café niya kasama ang ilang kaibigang investors. Kinuha niya ang mga chef na dating nagtatrabaho sa mga cruise ship na nawalan ng trabaho.

In fairness, masasarap ang inihain nila sa guests sa opening nito last Sunday.

Bawat soup at pagkaing i-serve ay may sariling kuwento kung bakit ito napiling ihain.

All-year Christmas feels ang gusto ni Ken na maramdaman ng customers. Ito ang kauna-unang Christmas café sa bansa.

Marunong sa buhay si Ken. Alam niyang hindi pangmatagalan ang pagiging artista.

Sa opening, dumalo rin ang ka-tandem niyang si Rita Daniella na tuwang-tuwa sa achievements ni Ken. Sigawan ang mga tao sa labas ng resto nang makita sina Ken at Rita na magkasama.

Samantala, showing pa rin ang Rit-Ken movie na Huling Ulan sa Tag-Araw, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Heaven’s Best Entertaiment. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE