AJ

Moviegoers hindi pa handa sa pagbubukas ng sinehan

December 27, 2021 Aster Amoyo 550 views

MATUMAL ang naging outcome ng 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagsimula on Christmas day, December 25. Ayon sa aming reliable source, wala pa umano sa 10% from the 2019 MMFF ang kinita ng walong pelikulang kalahok sa pagsisimula ng filmfest. Ito’y indikasyon lamang na hindi pa handa ang mga manonood na magbalik-sinehan dahil sa banta ng Covid-19 na patuloy pa ring nananalasa sa iba’t ibang parte ng mundo. Nawala rin ang mga batang audience na siyang sumusugod sa mga sinehan kasama ang buong pamilya.

Although hanggang January 7, 2022 pa ang itatakbo ng MMFF, panalangin ng mga producer na sana’y mabawi man lamang ang kanilang puhunan.

Ang 2019 MMFF gross income ng walong entries ay kumita ng P955M. Assuming ten per cent fraction ng 2019 MMFF gross income ang kukunin, wala pang P100-M ang kikitain ng tumatakbong filmfest na magtatapos on January 7, 2022. But we’re hoping na ito’y mag-i-improve in the next two weeks.

AJ reyna ng Vivamax

WALANG alinlangan na ang Viva sexy star na si AJ Raval ang maituturing na reyna ng Vivamax dahil siya ang may pinakamaraming movies na naipalabas sa No. 1 Pinoy streaming app, ang Vivamax sa taong 2021 na kanyang sinimulan sa sexy-comedy movie na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” kung saan siya ipinakilala. Ito’y ipinalabas nung January 29, 2021 at siyang naging pambungad na pelikula ng Vivamax na meron na ngayong almost 2 million subscribers in less than a year’s operation.

The year 2022 is going to be another banner year for AJ dahil nakatakda niyang simulan ang “Scorpio Nights 3” under her home studio, ang Viva Films.

Ang “Scorpio Nights” ay magkatulong na sinulat nina T.E. Pagaspas at Rommel Bernardino at screenplay ng writer-director na si Uro de la Cruz at dinirek ng yumaong megman na si Peque Gallaga under Regal Films. Ito’y tinampukan nina Ana Marie Gutierrez, Daniel Fernando and the late actor Orestes Ojeda at ipinalabas nung 1985.

Ang “Scorpio Nights 2” ay tinampukan naman nina Joyce Jimenez, Albert Martinez at Daisy Reyes na dinirek ni Erik Matti under Viva Films. Ito ang naging launching movie ni Joyce.

Wala pang ibinabahagi ang Viva Films kung sino ang makakasama ni AJ sa “Scorpio Nights 3” at kung sino ang magdidirek ng movie.

Bukod sa “Scorpio Nights 3,” may iba pang movie projects ang nakalatag na para sa dalaga ng dating OctoArts action star na si Jeric Raval.

NoynoyImageAng mga namaalam sa 2021

ANG 2021 na matatapos na in four days ay maituturing na isa sa most challenging years sa industriya ng pelikulang Pilipino. Hanggang ngayon ay marami pa rin sa industry workers ang walang trabaho at sisinghap-singhap pa rin ang industriya kahit unti-unti nang bumabalik ang ekonomiya towards the last quarter of the year. Bukod dito, marami rin sa mga kilalang industry workers ang pumanaw sa taong magtatapos at ilan sa mga ito ay dahil sa mapamuksang Covid-19 tulad ng singer-entrepreneur na si Claire de la Fuente, ang “Jukebox King” na si Victor Wood, and TV and movie director na si Toto Natividad, ang respetadong veteran entertainment editor-writer/host na si Ricky Lo, ang dating Chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at dating Board Member ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Manuel `Manoling’ Morato, ang veteran entertainment writer-host na si Ansel Beluso, ang veteran actress-vlogger na si Mahal (Noeme Tesorero) at ang popular ace photographer na si Raymond Isaac habang ang iba sa kanila ay pumanaw sa mula sa iba’t ibang sakit.

Ang nakatatandang kapatid nina Robin, Rommel at BB Gandanghari (Rustom) Padilla na si Royette Padilla ay pumanaw nung January 9, 2021 sa edad na 58 dahil sa atake sa puso. January 23 naman sumakabilang-buhay ang local `James Bond’ at ama nina Maricel Laxa at Mutya Crisostomo na si Tony Ferrer sa edad na 86. Covid-19 ang ikinamatay na singer at hitmaker ng awiting “Sayang” at businesswoman na si Claire de la Fuente nung March 30 sa edad na 63. Atake sa puso ang ikinamatay ng veteran singer-actress at wife ni retired Gen. Mitch Templo na si Mildred Ortega nung April 8. Covid-19 din ang ikinasawi ng tinaguriang “Jukebox King” at hitmaker ng Vicor na si Victor Wood nung April 23 sa edad na 75. Covid-19 din ang dahilan ng pagkamatay ng TV and movie director na si Toto Natividad. He was 63. Sumunod naman ang stand-up comedian-host na si Le Chazz (Richard Yuzon) nung May 1 dahil sa kumplikasyon sa kanyang sakit na diabetes. Covid-19 din ang sanhi ng pagpanaw ng veteran entertainment writer-editor at host na si Ricky Lo nung May 4 sa edad na 75.

Ang National Artists for Visual Arts na si Arturo Luz ay pumanaw sa edad na 94. Siya ang ama ni Angela Luz at ang yumaong singer na si Paola Luz. Apo naman ng yumao si Paulina Sotto-Llanes, anak ng veteran host, actor-comedian at producer na si Vic Sotto at Angela Luz, dating model, actress at painter.

May 31 naman sumakabilang-buhay ang veteran radio talent-turned TV and movie actress na si Ester Chavez sa edad na 93.

June 3 pumanaw ang actress-comedian, floor director-director na si Arlene Tolibas na sinundan ng host-comedian na si Shalala (Carmelito `Tolites’ Reyes) nung June 23 sa edad na 61 na sumakabilang-buhay dahil sa pulmonary tuberculosis.

Sixty one years old naman ang kaisa-isang anak na lalake nina dating Sen. Benigno `Ninoy’ Aquino at dating Pangulong Cory Cojuangco-Aquino na si dating Pangulong Benigno Simeon `PNoy’ Cojuangco Aquino III nung June 24 dahil sa renal failure na may kinalaman sa kanyang sakit na diabetes.

July 14 pumanaw ang stand-up comedian-host na si Hans Mortel due to pneumonia na sinundan ng biological father ng actor na si John Regala, ang dating actor na si Mel Francisco (Adolfo Padilla Scheerer), pinsan ng magkakapatid na Robin, Rommel, BB Gandanghari (Rustom) Padilla. He was 78 at atake sa puso sa ikinamatay.

Cirrhosis of the liver naman ang ikinamatay ng stand-up comedian at impersonator na si Ate Shawee sa edad na 45 nung July 26 na sinundan ng veteran actor at arts lover na si Orestes Ojeda (Luis Pagalilauan) sa edad na 68. Pancreatic cancer ang kanyang ikinamatay.

Covid-19 naman ang ikinasawi ng dating MTRCB Chairman na si Manuel `Manoling’ Morato sa edad na 87 nung July 27.

May kinalaman din sa Covid-19 at liver complications ang ikinamatay ng veteran entertainment writer at dating TV host na si Ansel Beluso nung August 6 sa edad na 61.

August 31 naman pumanaw ang 46 years old actress-vlogger na si Noeme `Mahal’ Tesorero at Covid-19 ang dahilan. Covid-19 din ang dahilan ng ikinamatay ng ace photographer (to the stars) na si Raymond Isaac.

Nung September 22, pumanaw ang US-based former actress na si Janet Bordon sa edad na 61 dahil sa kanyang sakit na kanser. On the same month, September 28 ay sumakabilang-buhay naman ang National Artist for Literature na si Bienvenido Lumbera sa edad na 89 at nung nakaraang November 15 ay sumakabilang buhay ang isa sa mga OPM icons na si Heber Bartolome dahil sa sakit nitong prostate cancer sa edad na 73. It was last November 21 nang pumanaw ang veteran TV director na si Bert de Leon dahil sa sakit sa puso sa edad na 74. At nito lamang December 20 ay tuluyan na ring namaalam ang veteran journalist-turned writer-director and producer na si Arlyn de la Cruz at age 51 dahil sa colon cancer na matagal din niyang ininda.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE