Vice

Vice Ganda, nilinaw ang top taxpayer isyu

March 12, 2023 Vinia Vivar 349 views

Sinagot agad ni Vice Ganda ang kwestiyon at pagtataka ng mga netizen kung bakit wala siya sa listahan ng top celebrity taxpayers ng 2022.

Tweet ng isang netizen, “I am actually shocked vice ganda was not included sa top taxpayers.”

Ni-retweet ito ni Vice kasama ang kanyang paglilinaw sa bagay na ito.

“FYI (for your information) yung nasa news po ay mga top tax payers ng RDO (Regional District Office) 39. I am one of the Top Tax Payers of RDO 38,” paliwanag ni Vice.

“I was invited sa ceremony nu’ng Feb 27 pero ‘di po ako naka attend,” patuloy niya.

Sumagot din ang netizen at ipinaliwanag na wala siyang masamang intensyon sa kanyang tweet.

“Hello meme, I don’t have any wrong intention sa tweet ko, I was reading the article and I missed na wala ka po sa list na yun. ‘Cause I’m expecting na kasali ka dun. Ibang RDO pala sorry na po,” paliwanag ng netizen.

Sey naman ni Vice, “Yes po I know naman. Kaya nag FYI lang ako para sa mga nagtatanong din. All good. GV lng.”

Matatandaang last March 8 ay binigyang parangal ng BIR regional office ng Quezon City ang mga top celebrity taxpayer noong 2022.

Ang mga ito ay sina Coco Martin, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Anne Curtis, Maja Salvador, Vic Sotto, Michael V., Sarah Geronimo, Judy Anne Santos, Liza Soberano at Willie Revillame.

AUTHOR PROFILE