Vice Ganda nagdonate ng P500 thousand sa unang gabi ng ‘By Request’

January 11, 2022 Aster Amoyo 345 views

SINORPRESA ng comedy superstar na si Vice Ganda ang kanyang idol at kaibigang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid nang ito’y mag-donate kasama ang kanyang partner na si Ion Perez ng P500,000 sa unang gabi ng fund-raising concert, ang “By Request: A Benefit Concert” on Kumu hosted by Darla Sauler last Sunday, January 9 kung saan ang misis ni Ogie Alcasid ang featured artist. It was Regine who prodded Vice Ganda to donate P100,000 pero higit pa sa inasahan ng singer-actress-host ang ibinigay ng “It’s Showtime” host dahil nag-pledge ito ng P500,000.

Sa unang gabi ay nakalikom ang “By Request” ng mahigit P1-M pesos. Lahat ng proceeds ng “By Request” ay direktang mapupunta sa ABS-CBN Foundation’s Tulong-Tulong Sa Pag-ahon” para sa mga biktima ng typhoon Odette sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa loob ng 100 gabi, iba’t ibang mga kilalang singers-performers ang magpi-perform sa virtual benefit concert ng “By Request”. Last Monday, January 10 ay si Kyle Echarri ang featured performer na sinundan ng mister ni Regine Velasquez, ang OPM King, singer-compower, actor-comedian at host na si Ogie Alcasid na susundan nina Jed Madela, Yeng Constantino, Darren Espanto, Erik Santos at iba pa.

As of January 9, 2022, ang ABS-CBN Foundation ay nakalikom na ng mahigit P58M in cash at P9M in kind at almost 67,000 families ng mga victims ng typhoon Odette ang nahatiran ng tulong.

Iba’t ibang digital platform ang gamit ng ABS-CBN para sa kanilang fund-raising campaign para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Since napakarami ng stars and talents ng ABS-CBN laluna sa “ASAP Natin `To” where most of the performers are singers, hindi mahihirapan ang Kapamilya na makabuo ng iba’t ibang fund-raising shows. Idagdag pa riyan ang kayang gawin ng kanilang top-rating noontime show, ang “It’s Showtime” sa pangunguna ni Vice Ganda.

Sa kabila ng kawalan ng franchise ng ABS-CBN, gumagawa pa rin ito ng iba’t ibang pamamaraan para makatulong sa mga nangangailangan, lalung-lalo na ang mga nasalanta ng iba’t ibang kalamidad including floods, typhoons and earthquakes.

IyaListahan ng celebrities na dinapuan ng virus nadagdagan pa

IT was last Monday, January 10 nang ibahagi ng nagdadalang-taong Kapuso host-actress na si Iya Villania-Arellano na siya’y positibo sa Covid-10 at siya’y naka-isolate sa kanyang asawa’t mga anak. Although sa loob lamang ng bahay naka-quarantine si Iya, it breaks her heart seeing her three kids na sina Primo, Leon at Alana sa kanilang glass door laluna ang kanilang bunso ng husband niyang si Drew Arellano na si Alana na umiiyak dahil hindi hindi nito maunawaan kung bakit hindi niya malapitan at ma-hug ang kanyang mommy.

Si Iya ay ilan lamang sa maraming celebrities na nagpositibo sa virus ng Covid-19 at kasama rito ang dating beauty queen at ex-PBB housemate na si Samantha Bernardo at iba pang mga kilalang personalidad. Maging ang aktres na si Snooky Serna, ang social media influencer na si Inka Magnaye at ang LGBTIA+ couple na sina Mikey Bustos at RJ Garcia, Tuesday Vargas, ang singer na si Morissette Amon at iba pa ay hindi rin naligtas sa virus.

JuliaRolex watch ang regalo ni Gerald kay Julia

NUNG nakaraang Christmas eve ay kasama si Gerald Anderson ni Julia Barretto at ng kanyang mga kapatid na nag-spend ng Noche Buena sa bahay ng kanilang ina, ang aktres na si Marjorie Barretto na siyang naghanda ng mga pagkain. Part ng kanilang Noche Buena ay ang pagbubukas ng kani-kanilang mga regalo.

Gerald surprised his girlfriend with her first Rolex watch as Christmas gift pero it was not revealed kung ano ang regalo ng young actress sa kanyang nobyo. Niregaluhan naman ni Julia ang kanyang ina ng isang necklace.

Bukod sa Noche Buena, may ilang beses na ring nakasama ni Gerald si Julia at pamilya nito tulad ng kanilang bonding moment sa pag-aaring resort ng actor sa Botolan, Zambales.

AldenNAKABALIK na sa Pilipinas galing sa kanyang almost month-long vacation sa Amerika with his family ang Kapuso prized singer-actor-host na si Alden Richards who turned 30 last January 2. Nagtapos na rin sa ere last January 7 ang kanyang TV drama series na “World Between Us” with Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriquez na dinirek ni Dominic Zapata.

Haharapin naman niya ang kanyang documentary digital concert, ang “ForwARd: Meet Richard Faulkerson, Jr.” which will be streamed on January 30, 2022 kasama ang UST Singers at Manila String Orchestra.

Ang VIP tickets ay mabibili sa halagang P1,199 at P999 naman ang general admission. Lahat ng kikitain ng documentary digital concert ni Alden ay mapupunta sa mga scholars ng sarili niyang AR Foundation, Inc.

Malamang na matuloy na rin ang shooting nila ni Bea Alonzo ng kanilang first movie, ang “A Moment To Remember,” another K-movie adaptation of same title. Inaasahan din ang pagbabalik ni Alden sa kanyang hosting job sa “Eat Bulaga”.

JokoJoko driver ng anak kahit may sariling career

PAREHONG contract talent ng Viva Artists Agency (VAA) ang mag-amang Joko Diaz at Ashley Diaz. Ang 17-year-old singer-actress na si Ashley ay lumagda sa Viva in 2019 habang si Joko ay dating contract star ng Viva na muling bumalik sa kanyang dating home studio nito lamang nakaraang November 2021.

Kahit may sariling career si Joko, he doesn’t mind magsilbing driver kay Ashley kapag meron itong showbiz commitments.

Although magi-eighteen pa lamang si Ashley sa darating na April, may mga nagi-encourage na sa teener na sumali sa beauty contest at supportive naman sa kanya ang kanyang parents na sina Joko at Abby.

“I’m so lucky na very supportive ang parents ko sa mga gusto kong gawin provided hindi ko papabayaan ang studies ko,” pag-amin ni Ashley sa aming huling panayam sa kanila ng kanyang amang si Joko.

“Kahit po sa pag-aartista ko, ako po mismo ang humiling sa parents ko at pinagbigyan naman nila ako,” ani Ashley.

Although si Ashley ang panganay ng mag-asawang Joko at Abby, may elder half-sister ang Viva teen singer-actress, ang kanyang Ate Nicole de Leon, na anak ng kanyang ama sa dati nitong kasintahang si Angelu de Leon na may sarili na ring pamilya.

Ashley also had an opportunity na makatrabaho si Angelu sa TV series na “Di Na Muli” na ipinalabas sa TV5 at pinagbidahan nina Julia Barretto, Marco Gumabao at Marco Gallo.

“She’s nice po,” referring to Angelu.

Samantala, kahit nung nakaraang November 2021 lamang nag-balik-Viva si Joko, tatlong pelikula kaagad ang ibinigay sa kanya, ang “Hugas,” “Siklo” at “Kinsenas, Katapusan”. Sa TV naman ay napapanood ang actor sa malapit nang magtapos na romantic-comedy series na “Marry Me, Marry You” at mapapanood din siya sa upcoming action-fantasy series na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” with Jane de Leon playing the title role.

Subscribe, like and share “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel and hit the bell icon for updates. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE