Vanessa Larawan: Jorden DeGaetano/IG

Vanessa Hudgens nagpatali na

December 8, 2023 People's Tonight 130 views

IKINASAL na ang Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens sa kanyang long-time partner na baseball player na si Cole Tucker. Ang dalawa ay nagkaroon ng enchanting wedding ceremony sa Azulik City of Arts Tulum, Mexico.

Sa Instagram post ng photographer na si Jorden DeGaetano, Disyembre 7, nagpasalamat ito na napili siyang maging parte ng pagmamahalan ng dalawa.

Aniya, “V&C, your love is truly remarkable to be a witness of, and an even greater honor to be able to document. Rare, deep, and exists in many lifetimes. Your day was like none other. To a million years in every universe.”

“The 14-year-old in me who picked up a camera for the first time is living today…,” dagdag pa nito.

Makikita naman ang timeless beauty ng Global Tourism Ambassador of The Philippines, suot ang isang mermaid wedding gown designed ng fashion artist na si Vera Wang. Si Cole naman ay looked dapper sa cream double-breasted suit and trousers.

AUTHOR PROFILE