Kathryn

Kathryn, naglilipat sa ipinatayong mansyon

December 8, 2023 Vinia Vivar 149 views

Bagong buhay, bagong bahay ngayon si Kathryn Bernardo matapos ang breakup nila ni Daniel Padilla na nakarelasyon niya for 11 long years.

Tila naglilipat si Kathryn sa bagong bahay na matatandaang matagal na niyang ipinapagawa.

Ito ang dahilan kung bakit may post ang aktres na tila nag-aayos siya ng mga damit.

Sa post ng home organizer na Neat Obsessions, makikita ang larawan ni Kath kasama ang team na tila nagso-sort out ng mga gamit.

Tila hiningi ng aktres ang tulong ng home organizer na si Issa Guico Reyes para i-organize ang kanilang mga gamit.

Ayon sa caption ng Neat Obsessions, noon pa laging napo-postpone ang paglipat ni Kathryn.

“I can’t believe this is really happening! This move was pushed back several times but I am so glad to witness every bit of it: from planning, designing, execution and now moving in!

“Cheers to new beginnings @bernardokath @bernardomin @kcmb23 and the rest of the Bernardo fam! Home stretch baby! Let’s do this!” nakasaad sa caption.

Ang bahay na lilipatan ni Katrhyn and family ang kanyang dream home na kanyang ipinagawa at katas ng kanyang mga pinaghirapan sa pag aartista.

Taong 2020 pa sinimulan ang construction nito at natapos lang nitong taong ito.

Noong ginagawa pa ito, paminsan-minsan ay pino-post ni Kathryn at ng mommy niya ang update sa construction ng bahay na mala-mansyon ang laki at may swimming pool pa.

AUTHOR PROFILE