Bangga Source: Zner Siclap Otidlacus- FB

Van vs truck, at least 10 patay

March 25, 2024 Zaida I. Delos Reyes 85 views

MAHIGIT sa sampung tao ang nasawi matapos na tumaob at masunog ang isang pampasaherong van nang bumangga ito sa isang dump truck kaninang tanghali sa Barangay Luhong, Antipas, Cotabato.

Lima sa mga pasahero ng van ang nasunog habang nagtamo naman ng grabeng sugat sa katawan ang iba pa.

Batay sa ulat ng PNP, naganap ang insidente dakong 12:00 ng tanghali sa nasabing lugar.

Batay sa ulat ng PNP, patungo sa bayan ng Antipas ang dump truck na kargado ng buhangin nang mabangga nito ang kasalubong van.

Dahil sa lakas ng banggaan, tumaob at nagliyab ang van na naging sanhi ng pagkamatay ng mga pasahero nito.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.