Jessy

V-Day hugot ni JM, dinumog ng netizens

February 17, 2022 Vinia Vivar 486 views

Seven years na raw loveless si JM de Guzman, ayon mismo sa aktor sa kanyang latest Instagram post.

Nag-upload si JM ng short video niya na tila naglalakad sa mall.

Sey niya sa caption, “7th year valentines.. still single. hanap ng hanap.. baka nasa comments section ka lang.”

Ang daming naaliw sa caption at dinumog talaga ng sandamakmak na comments dahil sa sinabi niyang “baka nasa comment section” ang kanyang hinahanap.

May mga fan na pabirong nag-apply na maging girlfriend niya at ‘yung iba namang girls ay tinag angfriends din nilang babae para ireto sa aktor.

As in ang nagkagulo talaga sa comment section.

Matatandaang ang huling official girlfriend ni JM ay si Jessy Mendiola.

Ang alam namin, ang aktres din ang kanyang greatest love.

They broke up in 2015, seven years na nga ngayon ang nakalilipas.

Jessy is now happily married to Luis Manzano.

May mga na-link kay JM after Jessy, pero wala pa siyang inamin na naging girlfriend niya officially.

AUTHOR PROFILE