Koko

Sen. Koko, todo-suporta sa pagsabak ni Kath sa pulitika

February 17, 2022 Ian F. Fariñas 1351 views

MALAKING factor sa desisyon ng maybahay ni Sen. Koko Pimentel na si Kathryna Yu-Pimentel na sumabak na rin sa pulitika (sa ilalim ng PDP Cares Partylist) ang hirap na pinagdaanan nang ipanganak ang panganay nilang si Helena nu’ng kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Sa pakikipag-usap sa ilang entertainment writers kamakailan, inamin ni Kath na na-trauma siya dahil akala niya ay mamamatay na siya nu’ng panahong iyon.

Umabot na nga raw siya sa puntong binilinan na niya si Sen. Koko na piliin ang baby nila sakaling kailanganin ng sitwasyon.

“Ang life natin is puwedeng kunin sa atin anytime so we have to make the most of it and as much as possible, tumulong tayo sa tao. Kaya kung tumutulong ’yung pdp Cares before, parang dinoble namin, lalo na nu’ng pandemic, hindi kami nawala sa pic. Kasi ang daming naghirap, nawalan ng work, eh. So sabi ko, eh, anuhin mo naman ’yung sobrang dami mong pera, hindi mo naman madadala, kung namatay ako at that moment, wala kang bitbit, eh. So itulong na lang natin sa talagang nangangailangan. So ’yun ’yung self-realization ko na sobra. Naramdaman ko talaga mismo kung ano ’yung panganganak sa pandemic. Ang most na biktima or vulnerable is nanay, unborn child at saka babies, so kailangan, mag-change na rin tayo o magdagdag ng law na kapag nangyari ’yung pandemic, mas gawin nating stronger ’yung rights ng mga nanay at saka ng mga unborn child,” paliwanag ng PDP Cares Partylist 1st nominee.

Limang taon nang aktibo sa pagtulong ang PDP Cares Foundation ni Kath kasama ang kapatid na si Joseph Yu (3rd nominee).

Ang PDP (No. 8 sa balota) ay tumatayo para party slogan na “Pilipino Dapat Paglingkuran.”

Isa nga raw sa avid supporters nila si Jinkee Pacquiao, misis ng Presidential aspirant at Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao.

Mula 2017, marami na silang natulungan, gaya na lamang ng mga biktima ng Marawi seige, bagyong Odette, atbp.

Regular din ang pakikipagtulungan ng grupo sa local barangays para sa iba’t ibang medical missions at pamamahagi ng ayuda, lalo na nu’ng kataasan ng enhanced community quarantine (ECQ).

Kabilang sa mga ipinamamahagi nila ay grocery packs (bigas, instant noodles, etc.) at mommy kits (diaper, baby wash, alcohol, atbp.) sa mga paanakan at labor hospitals.

Kaya naman, mismong si Sen. Koko na ang kumumbinse sa asawa na isali na ang PDP Cares Foundation sa partylist race ngayong 2022 elections.

Kwento ni Kath, “Actually, siya ’yung pinaka-supportive. Siya ’yung nag-push, ‘sali mo na ’yan sa partylist, sali mo na.’ Ako naman, isip ako nang isip, nagdasal din muna ako kung talagang isasali namin. Then nakita ko ’yung support niya, 100 percent tapos ’yung family and friends. Sabi ko, ‘o, sige, try na rin natin.’ Anyway, wala namang mawawala. Kung manalo, bonus na ’yon. Ibig sabihin, parang gusto pa ni God na ituloy pa namin ’yung greater, greater work. Kung matalo, as it is, lesson learned na rin. At least, naka-experience ka ng campaign, personal campaign.”
Diin ni Kath, “Para sa akin, dapat mas ready ang health care system natin on how to deal or how to handle Covid-positive mothers or ’yung mga Covid-positive babies. Dapat at the same time, meron ding protection ’yung mga doctor and nurse, so vice-versa, para mas ma-handle rin nang maayos ’yung mga manganganak during Covid.

“Ang sabi ko rin, sana ’wag pilitin ’yung mga buntis na mag-vaccine kasi marami rin sa research na nagkakaroon ng… na nawawala, nalalaglag ’yung bata, so sana ’wag nilang pilitin.”

Samantala, bukod sa women and children’s rights, kabilang din sa eight-point program of government ng PDP Cares Partylist ang ayuda/tabang, disaster preparedness/resiliency, free relocation to safer place/pabahay program, Anti-Baha Coalition (ABC), help OFWs and their families in the Philippines, public works structural code at suporta sa United Nations sustainable development goals.

AUTHOR PROFILE