Rayver

Julie Ann ayaw pang bumigay kay Rayver?

February 18, 2022 Eugene E. Asis 680 views

TINUTUKSO ng mga kasamahan sa All Out Sundays ng GMA7 sina Julie Ann San Jose at Rayver Cruz.

Pero sa ngayon, tinatawanan lamang ito ng dalawa. Gayunman, marami ang kinikilig.

May nagsasabing may ligawan nang nagaganap pero tila hindi pa handa si Julie Ann na maging rebound girl pagkatapos na mag-break sina Rayver at Janine Gutierrez na isa nang Kapamilya ngayon.

Mukhang nadala na si Julie Ann sa mga dating nagkaroon ng kaugnayan sa kanya, kaya naman mukhang nag-iingat siya ngayon. Wala namang masama kung magkakaroon man ng relasyon sina Rayver at Julie Ann dahil una, libre naman sila, at pangalawa, bagay sila. Kitang-kita ito kapag magkasama silang hosts, kahit noon pa sa The Clash singing contest at hanggang ngayon sa All Out Sundays.

Agree or disagree?

MaymayEdwardMaymay, ipinakilala na ang foreigner boyfriend matapos raw sirain ni Edward ang tiwala?

KUNG di ukol, di bubukol. Ito ang nangyari sa tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber na ang pagiging malapit sa isa’t isa ay nabuo sa Pinoy Big Brother house.

Naging malakas ang kanilang loveteam nang lumabas sila ng Bahay ni Kuya, at nakagawa pa ng ilang pelikula’t serye sa telebisyon. Marami ang nag-akalang tutuloy sa totoong buhay ang kanilang pagiging loveteam tulad ng nangyari kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Enrique Gil, pero nabigo ang fans nang maging magkaibigan lamang sila sa huli.

At eto nga, nag-post si Maymay tungkol sa kanyang foreigner boyfriend na nagngangalang Aaron Haskell. Wala pang masyadong detalyeng ibinibigay si Maymay tungkol sa kanyang Valentino, pero may nagsasabing isa itong Canadian dahil sa Canada nakunan ang litrato ng dalawa. Mukhang masaya si Maymay ngayon, samantalang going solo si Edward. Bakit nga ba hindi nagkatuluyan sina Maymay at Edward? May post si Maymay tungkol sa pagkasira ng trust niya kay Edward, pero hindi rin nag-elaborate ang dalaga tungkol dito. Basta ang mahalaga raw, magkaibigan pa rin sila at sa huling interview namin kay Maymay, hindi na raw ito masisira at susuportahan nila ang isa’t isa hanggang huli. Wala pang pahayag si Edward tungkol sa foreigner boyfriend ni Maymay.

KapamilyaNetizens humanga sa pamilya ni Kuya sa PBB Kumunity

BUMILIB ang outside world sa pagpapakilala kina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, at Enchong Dee bilang pamilya ni Kuya sa simula ng “Pinoy Big Brother” Kumunity Season 10” Adult Edition 2nd Eviction Night noong Sabado (Pebrero 12).

Kinagiliwan din ng netizens ang nakakatuwang kumustahan ni Kim, na dati ring “PBB” housemate at Big Winner, sa mga housemate bago inanunsyo ni Bianca ang paglabas sa bahay ni Kuya nina Rica Kriemhild at Aleck Iñigo. Nakakuha ang “Dolce Amore Daughter ng Italy” ng 4.55% ng combined votes, habang 5.02% ang nakalap ng “Most Valuable Rider ng Las Piñas.”

Naligtas naman sa eviction sina Basti Macaraan at Kathleen Agir na nakakuha ng 19.06% at 11.75% ng combined votes. Pero noong Linggo (Pebrero 13), nabasag ulit ang puso nina Kathleen at Basti dahil nominado ulit sila sa susunod na eviction night sa Sabado (Pebrero 19) matapos makakuha ng 8 at 6 na puntos. Kasama nila bilang nominado sina Jaye Macaraan (5 puntos), Gin Regidor (4 puntos), at Zach Guerrero (4 puntos).

Ligtas naman sa nominasyon si Michael Ver Comaling matapos magwagi sa “Head of Household” challenge, habang pinili ni Isabel Laohoo na gamitin ang kanyang immunity sa nominasyon.

Ano na naman kaya ang dapat abangan ngayong linggo sa housemates at pamilya ni Kuya? Tutok lang sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu. Samahan din ang ex-celebrity housemate na si Benedix Ramos ngayong linggo sa “Kumunity G sa Gabi” tuwing 9 pm.

AUTHOR PROFILE