Default Thumbnail

Urdaneta LGU worker laglag sa P1.36M shabu

April 8, 2024 Alfred P. Dalizon 104 views

ISANG empleyado ng Urdaneta City local government ang nadakip ng mga pulis sa isang drug buy-bust noong Sabado na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 200 gramo ng shabu na may halagang P1.36 milyon.

Sinabi ni Police Regional Office 1 director Brigadier General Lou F. Evangelista na natiklo ang 46-anyos na akusado matapos magbenta ng droga sa isang undercover officer sa Brgy. Anonas dakong alas-7:00 ng umaga.

Nakuha sa suspek ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.360 milyon, ayon sa general.

“This is part of our stepped-up campaign against illegal drugs and other forms of criminality in Ilocos-Pangasinan region as ordered by Philippine National Police chief, General Rommel Francisco D. Marbil,” sinabi ni Evangelista.

In-impound ng mga pulis ang Toyota Innova (NFL 5331) na ginagamit ng suspek bago siya madakip.

Iniulat din ng PRO1 director ang pagkakahuli sa isang 52-anyos na drug target mula sa Bani, Pangasinan sa isang entrapment sa Brgy. Poblacion, Alaminos City nitong Linggo.

Nakumpiska sa suspek ang 17 gramo ng shabu na may halagang P115,600 at ang buy-bust money.

Ang dalawang suspek ay mahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay Evangelista.

AUTHOR PROFILE