28 timbog sa droga sa Batangas
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Umabot sa 28 katao ang tinimbog ng mga pulis sa Batangas sa walang puknat na anti-drug operations, ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Samson Belmonte kay Region 4A Police Regional Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.
Nakakumpiska ang mga pulis ng 11.82 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P80,376.
“Hindi natitinag ang dedikasyon ng ating mga kapulisan sa pagsusulong ng laban kontra sa ilegal na droga. Patuloy ang ating pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot upang sa Bagong Pilipinas manatili tayong ligtas,” ayon kay Belmonte.