BBM

Upskilling, re-skilling tututukan ni PBBM

February 8, 2024 Chona Yu 142 views

IKINATUWA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naitalang malaking progreso at katatagan ng labor market ng bansa.

Tinukoy ng Pangulo ang December 2023 Labor Force Survey kung saan umangat sa 66.6 percent ang labor force participation ng Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang positibong momentum na nakita sa labor market performance ay dahil sa matibay na paglago sa lahat ng pangunahing sektor ng industriya gaya ng construction, agrikultura at serbisyo.

“This positive momentum is attributed to robust growth across all major industry groups, with construction, agriculture and services leading the way.

Looking ahead, our government remains committed to fostering a conducive and enabling environment for economic growth,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kasabay nito, sinabi ni Pangulong Marcos na tutukan ng pamahalaan ang upskilling at re-skilling ng mga manggagawang Pilipino para maging handa at makasabay sa mga nagbabagong demands sa labor market.

Binigyang diin ng Pangulo na mananatiling committed ang pamahalaan upang itaguyod ang kapaki-pakinabang at kaaya-ayang kapaligiran para mapalago ang empleyo bukod pa sa pagpapatupad ng mga pro-investment reforms at strategic partnerships.

Base sa talaan ng Philippine Statistics Authority, nasa 3.1 percent ang unemployment rate noong December 2023, mas mababa sa 4.3 percent noong 2022 para sa parehong buwan.

AUTHOR PROFILE