BBM1

PBBM nakiisa sa paggunita ng Isra Wal Mi’raj

February 8, 2024 Chona Yu 87 views

NAKIISA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Muslim community sa paggunita ng Isra Wal Mi’raj o Night journey and Ascension of the Prophet Muhammad.

Sinabi ng Pangulo na isa ang Isra Wal Mi’raj sa pinaka pinagdiriwang na okasyon ng mga Muslim dahil lumalarawan ang okasyon sa mga gantimpala na maaaring makamtan ng mga Muslim sa pamamagitan ng pagtitiwala.

Ayon kay Pangulong Marcos, isa sa pinagkukunan ang okasyon ng lakas ng mga Muslim at maaaring makapitan sa tuwing dumarating ang mahihirap na sitwasyon.

“Let this occasion imbue us with increased courage and optimism as we collectively face and transform the future of our nation to be more peaceful, inclusive and progressive for all Filipinos to enjoy,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos ang Isra Wal Mi’raj ay nagpapakita rin ng kaluwalhatian at kapangyarihan ni Allah na handang gantimpalaan ang sinumang mananatiling tapat at mananampalataya.

Hangad din ni Pangulong Marcos ang pagpapala para sa okasyong ito habang sabay-sabay aniya na humaharap sa pagbabago ng bansa at sinisikap na makamit ang mas mapayapa, mas inklusibo at mas progresibong bayan para sa lahat ng Pilipino.

AUTHOR PROFILE