Default Thumbnail

Uncomfortable truth of DepEd

January 13, 2024 Magi Gunigundo 153 views

Magi GunigundoDAHIL abala ang mga Pilipino sa Pasko, hindi napansin ang nakakaugang balita ng resulta ng PISA 2022 na inilabas noon Disyembre 5,2023. Maliwanag ang lagom ng Kalihim ng Dep Ed na mapupulot sa resulta — ito ay isang “uncomfortable truth” o di-komportableng katotohanan dahil ang malaking mayorya ng mga mag-aaral ay nasa
“ibaba ng antas ng kasanayan na kinakailangan para sa ganap na pakikilahok sa lipunan at pag-aambag sa pagbuo ng bansa.” Upang malunasan ang problema, dapat matukoy ang sanhi nito batay sa mga sintomas.

​Una, ang mga Pilipinong mag-aaral na sumali saPISA 2022 ay huli ng lima hanggang anim na taon samatematika, agham, at pagunawa ng binabasakumpara sa kanilang 15 taong gulang na mga katapatmula sa karamihan ng mga kalahok na bansa. Hindi ito nakapagtataka sapagkat ito rin ang laman ng 1925 Paul Monroe Report na pinagtambalan ng mga batang Pilipino at mga batang Amerikano sa Arithmetic reasoning, vocabulary, sentence at paragraph reading. Walang malaking pagbabago sa kalidad ng edukasyon ang naganap sa loob ng isang daan taon.

​Ikalawa, lumalabas sa PISA 2022 na hindi pagiging matatas sa English language ang paraan upang gumaling sa reading, math at science. Sinabi niDep Ed Usec. Gina Gonong na” ang mga batang nagsasalita mostly ng English sa bahay ay mas mababa ang performance nila sa PISA.”

Binubuhusan nito ng malamig na tubig ang naglalagablab na maling kaisipan na baliw na baliw sa pagsamba sa wikang banyaga na tinuturing nilang tanda ng talino ng bata at salbador sa kahirapan.

​Totoo naman na mayroon hakbang ang kasalukuyang pamunuan ng DepEd sa pagbabago ng K-12 kurikulum at paghahabol sa pagbabasa at iba bang asignatura na tinakdang gawin tuwing araw ng Biyernes bawat linggo sa loob ng taon pampaaralan. Ngunit sa mata ng mga sikolohista, ang daan sa reporma ng edukasyon ng bansa ay nag-uumpisa sa pagbabago ng kultura ng organisasyon ng 1 milyon kawani ng Dep Ed na nagsisilbing balakid sa pagtatamo ng dekalidad na edukasyon para sa mga milyon milyon estudyante na umaasa na magkakaroon ng maginhawangbukas.

Makikita sa kultura ng organisasyon ng DepEd kung paano naiintindihan ng mga titser, school leaders, mga superbisor, at central office ang kanilang trabaho at ang isa’t isa, at nakakatulong ito sa natatanging panlipunan at sikolohikal na kapaligiran ng organisasyon.

AUTHOR PROFILE