TVJ

TVJ, present sa 43rd anniversary celebration ng ‘Eat Bulaga’

July 29, 2022 Jun Nardo 793 views

NGAYONG araw na ito, Sabado, ang 43rd celebration ng anniversary ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Siyempre, live itong mapapanood sa GMA Network. At ’pag ganitong anibersaryo, maraming sorpresa ang programa.

Ang pahaging ng EB Dabarkads ay masisilayang muli ang TVJ, original hosts ng Bulaga.

May pasampol na nga si Tito Sotto nang dumaan siya nu’ng isang araw sa noontime show.

Siyempre, kailangang sumipot ni Alden Richards na matagal-tagal nang missing in action sa show.

Maging si Maja Salvador ay dapat present dahil ito ang unang niyang pagkakataon na makasama sa anniversary celebration ng Eat Bulaga.

Happy, happy 43rd anniversary, Eat Bulaga!

HOTTEST COUPLE SA HAPON

HOTTEST couple sa afternoon ang tambalang Derrick Monasterio at baguhang Elle Villanueva sa upcoming Kapuso afternoon series na Return to Paradise.

Eh, bukod sa daring scenes, may intimate scenes din sina Derrick at Elle.

“Pero ginawa naming professional ang intimate scenes kaya hindi kami naiilang. Tinanong ko rin si Elle kung ano ang limitations niya kasi ayokong maka-disrespect ng co-actor ko,” saad ni Derrick.

“Bago sa akin ang daring scenes at kissing scenes. I was so scared. Ang daming challenges sa serye na ito and I am grateful I am part of it,” sey naman ni Elle.

Magbabalik sa GMA ang award-winning actress na si Eula Valdes after eight years.

AUTHOR PROFILE