Bermas

Christine, Mark at Gold, may frontal nudity scenes sa ‘Scorpio Nights 3’

July 29, 2022 Vinia Vivar 4827 views

Isang malaking rebelasyon si Christine Bermas sa pelikulang Scorpio Nights 3 na idinirehe ni Lawrence Fajardo.

Napanood namin ang pelikula sa screening na ginanap last Wednesday night and we’d say na talaga namang ibinigay ni Christine ang lahat-lahat dito.

Ginulat niya ang lahat hindi lang sa kanyang tapang sa paghuhubad kundi maging sa kanyang acting performance.

Ang lupet ng mga sex scene ni Christine with Gold Aceron and Mark Anthony Fernandez at take note, sa iba’t ibang posisyon pa! Bukod dito ay mayroon din siyang frontal nudity at BJ scene.

Pero hindi lang siya basta naghubad dito kundi pinatunayan din niya na isa siyang aktres lalo na sa ending kung saan ay nahuli na nga siya ng kanyang asawa (Mark Anthony) na nakikipagtalik sa kanyang kalaguyo (Gold).

Kaya naman hindi mapigilan ni Christine na maging emosyonal matapos siyang palakpakan at i-congratulate ng lahat after the screening.

Hindi lang si Christine ang nag-all-out sa Scorpio Nights 3 dahil may frontal nudity rin sina Mark at Gold.

Pinuri-puri rin ng press si Direk Law dahil sa ginawa niyang atake sa pelikula lalo nga ang ending nito na nilagyan niya ng bagong twist.

Kung napanood n’yo ang original Scorpio Nights ni Peque Gallaga na pinagbidahan nina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda at Daniel Fernando, you’d know na ang ending ang pinaka-pivotal part ng pelikula.

Napakahusay ni Mark sa ending scene at malaki ang posibilidad na makakuha siya ng award dito.

Hindi rin naman nagpatalbog si Gold at ang husay din niya sa parteng nagmamakaawa siya kay Mark. Actually, nabigyan silang tatlo talaga ng sari-sariling highlight sa nasabing eksena at lahat ay talagang nakapag-deliver.

Kasalukuyan nang napapanood ang Scorpio Nighs 3 sa Vivamax. Kasama rin sa movie sina Julio Diaz at Lou Veloso.

AUTHOR PROFILE