posas

Tumangay ng SUV sa Pasay tiklo sa Cavite

January 31, 2024 Edd Reyes 136 views

ARESTADO ang isa sa dalawang carnapper na tumangay sa sports utility vehicle (SUV) sa Pasay City matapos matunton noong Martes sa Dasmariñas, Cavite.

Natukoy ng Pasay City Police at Highway Patrol Group (HPG) ang kinaroroonan ng suspek na si alyas Tim sa isang barangay sa Paliparan 1, Dasmarinas, Cavite dakong alas-8:30 ng gabi habang ibinebenta na niya ang tinangay na Hyundai Kona (CAT 6206).

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, natangay ng dalawang suspek sa SUV noong Enero 21, 2024 dakong alas-10:00 gabi sa parking area ng casino sa Pasay City.

Sakay ang mga suspek sa Mitsubishi Xpander nang tangayin ang SUV.

Bukod sa pagkakabawi sa Hyundai Kona, nakumpiska ang Xpander, airsoft na gun replica at sling bag na nakatago sa ilalim ng driver’s seat.

Inihahanda na ng Pasay police ang kasong paglabag sa R.A. 6539 o ang Anti-Carnapping Act laban sa suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE