Default Thumbnail

‘Tulak’ timbog sa P190K shabu sa Quiapo

July 22, 2022 Jonjon Reyes 385 views

ISANG hinihinalang “tulak” ng droga at anim na kasabwat nito ang naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) 3, sa isinagawang buy-bust operation sa Quiapo, Maynila, iniulat ng pulisya. Narekober sa suspek ang may 28 gramo ng shabu na may street value na P190,000 at nahaharap sa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nahuling suspek.

AUTHOR PROFILE