Default Thumbnail

Truck sumalpok sa puno, driver dedo; pahinante sugatan

March 22, 2023 Zaida I. Delos Reyes 235 views

PATAY ang drayber ng truck habang sugatan at nasa kritikal na kalagayan ang kanyang pahinante matapos na sumalpok sa puno ang minamanehong 10- wheeler truck sa Quirino Highway, San Francisco, Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Jose Aquino, nasa hustong gulang at residente ng Viga, Catanduanes, habang dinala naman sa pinakamalapit na pagamutan ang kasamahan nito.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong 9:00 ng umaga ntiong Miyerkules sa Quirino Highway.

Nag-overtake umano ang driver ng truck upang lampasan ang nasa harapang sasakyan subalit hindi kumagat ang kanyang preno diumano kung kaya’t sumalpok ito sa malaking puno.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay napuruhan ang driver at nasugatan ang pahinante nito.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.