Default Thumbnail

Truck driver tinarakan sa leeg dahil sa away trapiko sa Tondo

September 9, 2022 Jonjon Reyes 373 views

NAGSIMULA muna sa suntukan dulot ng girian sa trapiko saka sinaksak sa leeg ang isang lalaking biktima ng kapwa nitong truck driver sa MICT Access Road, malapit sa Parola Gate 1, Tondo, Maynila, Huwebes ng gabi.

Ang biktimang ay napag-alamang nakatira sa Arkong Bato, Valenzuela City.

Agad naman inutos ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon ang isang “hot pursuit” laban sa suspek na driver din umano ng truck.

Base sa ulat ni Det. John Paul Rojo ng MPD Homicide Section, bandang 9:30 ng gabi, nang maganap ang insidente sa naturang lugar.

Gitgitan sa kalsada ang umano’y pinagmulan ng away ng dalawa sa panulukan pa lamang ng Delpan sa Binondo.

Pagsapit umano sa MICT Access Road, lulan ng truck, hinarangan ng suspek ang sasakyan ng biktima saka bumaba ito at hinamon nito ng suntukan ang biktima.

Bumaba naman din ng truck ang biktima at hinabol ang suspek, ngunit ilang sandali pa ay nakita na lamang na duguan na ito habang mabilis na umeskapo ang suspek.

Kaagad naman isinugod sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ang biktima pero idineklarang “dead on arrival” dahil sa tinamong saksak sa leeg.

Pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue ang mga labi ng biktima para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE