Default Thumbnail

Trike driver todas sa pamamaril sa Tondo

March 13, 2023 Jonjon Reyes 479 views

DEAD on the spot ang isang 42-anyos na tricycle driver, makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman, madaling araw nitong Linggo sa panulukan ng Juan Luna at Raja Matanda Streets, Tondo, Maynila.

Ang lalaking biktima ay pawang nakatira sa Lakandula St., Tondo.

Samantala, ayon sa ilang nakasaksi ng pamamaril, nasa 5’8 hanggang 5’10 ang gunman, nakasuot ng kulay itim na sando, slim built, nakasuot ng helmet, at armado ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 12:30 ng madaling araw (Marso 12), nang maganap ang pamamaril sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyong isinagawa ni Det. Irene Jay Manalili, may hawak ng kaso, habang pumapasada ang biktima at binabaybay nito umano ang kahabaan ng kalsada sa naturang lugar ay may diumano’y nakasunod sa kanya na sakay ng motorsiklo.

Pagsapit sa Raja Matanda, dito na niratrat ang biktima at sinigurado pa umano ng suspek na wala ng buhay ang biktima bago niya iniwan ito.

Agad na tumakas at humaharot palayo umano ang suspek lulan ng motorsiklo patungong Binondo area.

Nasa pangangalaga na ng Cruz Funeral Morgue ang biktima, para sa kaukulang awtopsiya matapos magsagawa ng pagsisiyasat ang mga operatiba ng MPD Forensic Unit sa pangunguna ni P/Capt. Giovanni Brinquez.

AUTHOR PROFILE