Tolentino

Tolentino: ‘Linggo ng Pagkabuhay’ salamin ng patuloy na paglalakbay ng PH

March 31, 2024 People's Tonight 58 views

SA pagninilay-nilay sa kahalagahan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo noong “Linggo ng Pagkabuhay”, bukod sa pananampalataya ay sinabi ni Sen. Francis “Tol” Tolentino na sumasalamin ito sa patuloy na paglalakbay ng Pilipinas bilang isang bansa.

“It is for our continuing journey as a people and as a nation to overcome all the difficulties that we have faced,” ang sabi ni Tolentino.

Sinabi pa ng senador na palagi niyang personal at pangmatagalang nais at panalangin, habang ginugunita ang muling pagkabuhay ng Panginoon, na kilalanin na ang mga kahinaan at pagkakamali ay iwaksi nang may mataas na pag-asa.

Sa muling pagkabuhay ni Hesukristo, maaari aniya tayong magpatuloy at magtagumpay sa kabila ng ating pagiging makasalanan na napatawad na.

Inaasahan niya na ang “Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay” ay puno ng mataas na pag-asa at mga resolusyon at mas magandang mga araw sa hinaharap para sa bansa.

AUTHOR PROFILE