Tiktok2

TIKTOK STAR OF THE DAY

May 28, 2024 People's Tonight 287 views

TiktokTiktok1Tiktok3Tiktok4WINNER ang kariktan, winner sa kaseksihan, kay ‘Amanda wins’ ikaw ang panalo! Nasasaksihan ng kanyang mahigit 180 thousand followers sa kasalukuyan sa TikTok ang kanyang husay magbigay aliw sa mga ibinibidang contents.

“Amanda wins” man ang alyas sa nasabing video-sharing app at dati ring kilala bilang “miss holy javier” sa kanyang disabled social media accounts, hindi mawawala ang kinang ng TikTok star na si Christine Jabil.

Nakakabit na sa kanyang angking galing na makapukaw ng atensyon ng netizens ang pagiging bituin ng social media star.

Sa TikTok account niyang @mhjo_2, mahusay gumamit ng viral filters si Christine at ipares ito sa mga takaw-pansin na kanta at sounds, kaya tuloy ang kanyang mga lip sync videos, perpek kung perpek!

Sumasabog naman ang kanyang ganda at alindog sa Instagram. Sa account niyang @mhjo_2, talagang mahuhulog ang puso ng mga male followers niya sa sexy outfits at perfect selfies ni Christine.

Makailang account man siya, hinding-hindi magagapi ang kanyang presensya sa social media. Patuloy lang na aagos ang paghanga sa kanyang kayang ihain sa madla.

AUTHOR PROFILE